Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

74 street dwellers nasagip sa Pasay

NASAGIP ng mga awtoridad ang 74 street dwellers sa isang rescue operation kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Sinabi ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel B. Doria, nagsanib-puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) upang sagipin ang mga palaboy.

Ikinasa ang rescue operation ng mga awtoridad dakong 9:00 pm hanggang 11:00 pm na sinimulan nila sa Pasay Sports Complex, Taft Avenue ng naturang lungsod.

Sa 74 street dwellers na nasagip, 17 sa kanila ay pawang mga menor de edad at walong senior citizens.

Sila ay bibigyan ng pasahe upang makauwi sa kani-kanilang probinsiya.

Ngunit ayon sa hepe ng pulisya, ang problema, makaraan mabigyan ng pasahe ang mga na-rescue ay muling bumabalik upang magpalaboy sa kalsada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …