Tuesday , October 8 2024
nbp bilibid

Sa Bilibid, Munti
51 gramo ng shabu nabuking sa dalaw na bebot

HIGIT pang pinaigting ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kampanya kontra ilegal na droga at kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP).

Kaugnay sa maigting na kampanya kontra ilegal na droga at kontrabando ng BuCor na ipinapatupad sa  NBP sa Muntinlupa City nagresulta ito ng pagkakdakip sa isang bisita na nagtangkang magpuslit ng 51 gramo ng hinihinalang shabu sa loob ng Bilibid.

Kinilala ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr., ang inarestong suspek na si Jacqueline Joson, dinala sa kustodiya ng Muntinlupa City Police.

Base sa report, inilagay ni Joson ang hinihinalang shabu sa isang plastic at itinago sa pribadong bahagi ng katawan gamit ang electrical tape nang tangkaing dalawin ang person deprived of liberty (PDL) na si Joseph Francisco, kasapi ng Sputnik sa Dorm 4B ng Medium Security Compound.

Habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Special Patrol Unit sa lugar, napansin ang kahina-hinalang ikinikilos ng PDL na si Angelito Garcia kaya kinapkapan siya at nakompiska ang 19 pakete ng hinihinalang shabu sa bahaging baywang ng kanyang shorts dahilan upang i-turnover  sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Bukod rito, nasamsam ng BuCor ang mga ipinagbabawal na gamit o item mula kina  PDL Esmeraldo Zapra ng Dorm 8C3 Bldg, 8, Quadrant 3; at PDL Alex Gregorio ng Dorm 5C, Bldg. 5, Quadrant 4, kapwa nakakulong sa Maximum Security Compound.

Nakompiska kay Zapra ang tatlong pirasong cellphone, limang charger, dalawang headset, dalawang pirasong USB, memory card at SIM card habang 60 pirasong sigarilyo at apat na cigar pipes ang nakuha kay Gregorio. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

NABIGYAN ng matataas na kalidad ng trabaho ang mga Bulakenyo na nasa sektor ng construction …

internet wifi

Libreng Wi-fi sa public schools isinusulong

NAIS ni Senador Win Gatchalian na magkaroon ng mas epektibong pagpapatupad ng libreng wi-fi program …

Pablo Virgilio David Pope Francis

Pinoy Bishop itinalagang Cardinal ni Pope Francis

ITINALAGA ni Pope Francis si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang ikatlong Filipino cardinal. Tinukoy …

Krystall Herbal Oil

Skin flakes sa anit tanggal sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …