Thursday , December 7 2023
Las Piñas City hall

Medical mission sa Las Piñas City 

ISINAGAWA ng Las Piñas local government unit (LGU) ang libreng serbisyong medikal.

Kahapon nagsagawa ang Las Piñas city government ng libreng serbisyong medikal para sa mga residente sa lungsod.

Sa pangunguna ng City Health Office ay nagkaloob ng libreng TB screening at health services sa mga Las Piñeros sa Aguilar Sports Complex, Barangay Pilar dakong 8:00 am hanggang 12:00 ng tanghali. 

Dumating sa lugar ang Lab Your Lungs van ng lokal na pamahalaan upang magkaloob ng libreng  chest X-ray sa mga residente.

Bukod dito, nakatanggap ang mga Las Piñeros ng libreng sugar check at cholesterol check.

Bahagi ito ng tuloy-tuloy na serbisyong pangkalusugan na handog nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar kasama ang buong konseho ng lungsod. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …