Tuesday , November 5 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pahirapang pagsuweto sa mga bandido ng CIDG

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

LUMALAKAS ang mga bulung-bulungan tungkol sa galawan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasunod ng pagkakatalaga kay Gen. Nicolas Torre bilang hepe nito.

Ang misyon niyang linisin ang unit mula sa mga katiwalian ay mistulang hindi ikinasindak ng mga tiwali. Iyon ay dahil tuloy lang ang mga corrupt na pulis sa dati nilang gawi na kumubra mula sa mga ilegal na kalakaran, sa tulong ng kingpin na kung tawagin ay “Michael C.”

Ibinunyag ito ng Firing Line noong nakaraang linggo, at nagsusulputan ngayon ang mga bagong pangalan. Pagbubunyag pa ng ilang sources, ang Michael C. na ito umano ay si Michael Cincoang, na kilala rin bilang “Eric Shornack.”

         Ang sinasabi nila, ang lalaki raw na ito ang man-Friday ni “Lorenzo,” isang bagman para sa CIDG. Sana lang ay hindi ito si Lt. Col. Lorenzo na kilalang malapit kay Gen. Torre.

Mabalik tayo kay Eric Shornack, hindi ito ang unang pagkakataon na natisod ng Firing Line ang pangalan niya bilang umo-orbit sa mga club at sa iba pang ilegal na aktibidad, sa ngalan ng CIDG.

Matagal nang may mga bulung-bulungan tungkol sa pag-uugnay sa kanya kay dating Maj. Gen. Atty. Jigs Coronel sa Regions 4A at 4B – ang Southern Tagalog regions — kung saan siya sa natuto ng galawan sa pangungubra ng pera roon.

         Isang bagay ang sigurado. Hindi ito isang small-time racket lang. Saklaw ng “Lorenzo” na ito ang isang grupo ng mga kobrador, na kinabibilangan nina: Jepoy Manuel, Cesar Pilosopo, at Paul — mga pangalan na pawang iniuugnay sa mga bold show clubs at iba pang malalaswang operasyon sa Metro Manila.

Kaya naman hindi nakapagtatakang ang pangunahing opisyal ng CIDG sa National Capital Region (NCR), si Col. Quimno, ay mistulang nagbulag-bulagan na lang sa mga ilegal na aktibidad na ito.

         Ayon sa aking mga espiya, may utos daw kay Cesar Pilosopo na maghinay muna, pero tuloy pa rin siya sa pangongolekta at pag-o-operate nang garapalan.

Kung ganoon talaga kadeterminado si Gen. Torre na linisin ang CIDG, gaya ng ipinahihiwatig ng marching orders sa kanya, bakit hindi pa niya sinasampolan ang mga taong ‘yan? Isa itong gut check para kay Torre. Habang tumatagal sa pamamayagpag ang mga taong ‘yan, mas lalong nagiging malinaw ang mensahe: Alin sa dalawa, hindi kaya — o walang plano — si Torre na tuldukan ang malawakang korupsiyon na ito.

Lantaran na ang katiwalian sa CIDG at, sa puntong ito, kung hindi pa kikilos si Torre, maglalaho sa kawalan ang kanyang integridad bago pa man siya magretiro.

Habang tumatagal sa pamamayagpag ang mga tiwaling personalidad na ito, lalo namang magmumukhang konsintidor na kasabwat ang kanyang liderato. May mga pagkakataong hindi sapat na basta linisin lang ang bahay, Gen. Torre. Minsan, kailangan nang silaban hanggang sa gumuho ang kabuuan nito.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …