Wednesday , November 13 2024
Dumbbell blood

Hinampas sa ulo ng dumbbell
OFW UTAS SA ‘BULONG’ NA NARINIG NI MISIS

KAMATAYAN hindi pagmamahal ang napala ng isang 62-anyos engineer at dating overseas Filipino worker (OFW) nang magpasya siyang umuwi sa Filipinas para alagaan ang misis na dumaranas ng sakit sa pag-iisip, sa bayan ng Zarraga, lalawigan ng Iloilo.

Trahedya ang sinapit ng biktimang kinilalang si Eduardo, nang hampasin ng 10-kilo dumbbell ng kanyang misis. Wala nang buhay na naliligo sa sariling dugo sa ibaba ng sofa, nang matagpuan ng pulisya sa kanilang tahanan  sa Brgy. Poblacion Ilaud, sa bayan ng Zarraga, nitong Linggo, 13 Oktubre.

Nabatid na dating OFW bilang enhinyero si Eduardo sa Saudi Arabi ngunit umuwi apat na buwan na ang nakalilipas upang alagaan ang kaniyang asawang si Mary, 59 anyos, na dumaranas ng sakit sa pag-iisip.

Ayon kay P/Capt. Dandy Ilalto, hepe ng Zarraga MPS, tumawag sa himpilan ng pulisya si Mary upang humingi ng tulong dahil napatay niya umano ang kaniyang asawa.

Inamin ni Mary sa mga awtoridad na hinampas niya ang kaniyang asawa sa ulo gamit ang isang dumbbell na may timbang na 10 kilo matapos niyang makarinig ng mga boses na nag-uutos sa kaniyang gawin iyon.

Ayon sa pamilya ng suspek, na-diagnose siyang may sakit sa kaniyang pag-iisip kaya mayroon siyang iniinom na gamot sa kasalukuyan.

Nabatid na 30 taon nang nagsasama ang mag-asawa ngunit hindi sila biniyayaan ng anak.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Zarraga MPS si Mary ngunit pinag-iisipan pa ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kaso laban sa kaniyang asawa. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …