Sunday , November 10 2024

Buhay ng motorista, at pedestrian, prayoridad ng LTO

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

TAMA bang suspendehin lang sa loob ng 30-araw ang dalawang driving school na nahuli sa akto ng Land Transportation Office (LTO) na sangkot sa mga ilegal na aktibidad?

Hindi ba — ang nararapat  ay tuluyan nang binawian ng LTO ang dalawang driving school ng kanilang accreditation o permiso. Bakit kamo. Bakit!? E paano kung hindi poseur customer ang kliyente, e di nakalusot na ang aplikante at…paano kung iyong nakalusot ay nasangkot sa road accident dahil nga hindi naman talaga pasado?

Paano nga ba? E ‘di kawawa ang mga biktima nito o maging siyang nabigyan ng mapaglinlang  na dokumento ‘fraudulent certificate’ – Theoretical Driving Course (TDC) at Practical Driving Course.

Kaya sapat ba ang ipinataw na kaparusahan ng dalawang driving school? Hindi naman natin kinukuwestiyon ang desisyon ng LTO at sa halip, may sinusunod na alituntunin ang ahensiya – kung baga, first offense lamang, paano naman ang mga biktima ng mga ungas dahil sa kagagawan ng ilang driving school?

Ano pa man, inirerespeto natin ang desisyon ng LTO, higit sa lahat, saludo tayo sa mabilisang pagtugon ng ahensiya laban sa dalawang driving school hinggil sa kanilang modus operandi.

Sa pagkakabunyag ng LTO sa modus ng dalawang driving school, binalaan ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng driving schools at accredited medical clinics na tigilan o iwasan ang mga ilegal na aktibidad kaugnay sa pagbibigay ng pekeng certificate sa mga kliyente ng LTO dahil ang nakokompromiso rito ay ang seguridad sa lansangan.

Nitong nakaraang linggo, sinuspinde ng LTO sa loob ng 30-araw ang operasyon ng dalawang driving school sa Tarlac at sa Quezon province makaraang maaktohan sa pagbibigay ng ‘pekeng’ sertipiko ng TDC at PDC sa isinagawang entrapment.

Dahil sa pangyayari ay pinaalalahanan rin ni Mendoza ang mga accredited medical clinic ng LTO  matapos makatanggap ang LTO Chief ng impormasyon na may mga nagbibigay din ng pinalusot na medical certificates.

         “This is part of our aggressive campaign against fixers. We cannot allow these modi operandi to happen because what is at stake are the safety of road users,” pahayag ni Assec Mendoza.

Ang nahuli sa akto ng LTO-Intelligence and Investigation Division na pinamumunuan ni Renante Melitante sa isinagawang entrapment operation ay ang MCSY Driving School sa San Sebastian, Tarlac at I-Summit Driving Academy sa Lucena City, Quezon province.

Inisyuhan nila ng sertipiko ang dalawang napanggap na kliyente kahit na hindi sila dumaan sa required hours para sa pagsasanay at kahit hindi rin umatend sa seminar.

“We already issued a Show Cause Order to these two driving schools to demand their explanation why they should not be punished for violating the provisions of the accreditation given to them,” dagdag ni Mendoza.

“Both the driving schools were also suspended for 30 days pending the result of the ongoing investigation,” wika pa ng LTO chief.

Para sa kaalaman ng lahat, ang  TDC at PDC ay pangunahing rekesitos para sa issuance ng  driver’s license.

“This action should serve as a stern warning against driving schools and accredited medical clinics to do what is right. Otherwise, we will not hesitate to cancel their operation because what is at stake here are the life and limb of all road users,” babala ni Mendoza.

Sa iba pang driving schools diyan, tigil-tigilan na ninyo ang modus n’yo. Naniniwala tayo na hindi lamang ang dalawang nahuli sa akto ang gumagawa ng modus na ganito kung hindi, may mga kagaya rin nila. Kaya bago kayo mabuko at mawalan ng negosyo, mag-isip-isip kayo. Mas malaki ang mawawala sa inyo kaysa kikitain ninyo sa mga ilegal na aktibidad.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …