Wednesday , October 9 2024
Raffy Tulfo

DAVAO SUR EX-MAYOR NAIS PAIMBESTIGAHAN NI SEN. TULFO SA DILG  
1,200 Chinese nationals may Filipino birth certificates

PINAIIMBESTIGAHAN at pinasasampahan ni Senator Raffy Tulfo sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang dating mayor sa Davao del Sur kasama ang kanyang mga tauhan ng kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices.

Sa hearing ng Senate committee on public services nitong Huwebes, 5 Setyembre, na pinamumunuan ni Tulfo, isiniwalat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang nadiskubreng 1,200 Chinese nationals na nabigyan ng Filipino birth certificates sa pamamagitan ng late registration sa loob ng termino ng nasabing local chief executive.

Gayonman, inamin ng NBI kay Sen. Tulfo na hanggang ngayon, wala pa rin silang kasong naisasampa laban sa mga kawani sa Local Civil Registrar’s Office (LCR) at Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsabwatan sa pagbibigay ng Filipino birth certificates sa foreign nationals na nag- apply ng late registration.

Dito napikon si Tulfo at nasabon ang NBI dahil deka-dekada na pala itong nangyayari at wala pa ni isang taong sangkot ang nasampahan ng kaso at nakulong.

Pinakakasohan din ni Tulfo sa Land Transportation Office (LTO) ang mga dating opisyal nito, partikular ang dalawang dating assistant secretary at ang mga miyembro ng kanilang Bids and Awards Committee (BAC)  dahil sa maanomalyang pagbili sa alcohol breathalyzers.

Sa ginawang imbestigasyon ng komite ni Tuldo, maliwanag na nagkaroon ng anomalya at overpricing sa procurement ng breathalyzers na ang kabuuang halaga ay P10.2 milyon noong 2015, at P23.512 milyon noong 2017. “Ang masaklap,” aniya, “napakarami rito ay depektibo at hindi napakinabanagan.”

Samantala, inatasan ni Tulfo ang Department of Transportation (DOTr) na sampahan ng kaso si dating Transportation Secretary Joseph Emilio “Jun” Aguinaldo Abaya dahil sa kuwestiyonableng kontrata at pagtanggap ng depektibong Dalian trains na nagkakahalaga ng P3.759 bilyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Emmanuel Ledesma Jr PhilHealth

Huwag matakot sa gastos sa sakit, sagot ka ng PhilHealth — Ledesma

HATAW News Team SA PANAHON ng mga hamon ng kalusugan, ang PhilHealth ay nananatiling kaagapay …

Bulacan pinarangalan sa 10th Central Luzon Excellence Awards for Health

Patunay sa mahusay na serbisyong pangkalusugan
BULACAN PINARANGALAN SA 10th CENTRAL LUZON EXCELLENCE AWARDS FOR HEALTH

MULING napatunayang de-kalidad ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ng lalawigan ng Bulacan makaraang gawaran ng …

Bulacan Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

NABIGYAN ng matataas na kalidad ng trabaho ang mga Bulakenyo na nasa sektor ng construction …

internet wifi

Libreng Wi-fi sa public schools isinusulong

NAIS ni Senador Win Gatchalian na magkaroon ng mas epektibong pagpapatupad ng libreng wi-fi program …

Pablo Virgilio David Pope Francis

Pinoy Bishop itinalagang Cardinal ni Pope Francis

ITINALAGA ni Pope Francis si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang ikatlong Filipino cardinal. Tinukoy …