Sunday , November 10 2024
Dragon Lady Amor Virata

Labanang matalino vs b-o-b-o?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

KULANG na lang na sabihin ni VP Sara Duterte na bobo si Pangulong Bongbong Marcos dahil deretsahang sinabi ng Bise Presidente na hindi marunong maging Presidente si BBM kaya umano patungo na sa impyerno ang ating bansa.

Ito umano ang isa sa pangunahing dahilan kaya umalis siya sa administrasyon bilang kalihim ng Department of Education, dagdag ni Duterte sa isang pagpupulong na ginawa sa Mandaluyong City.

Sinabi umano ni VP Sara na one lang, out of ten ang rate ni BBM.

Ayon sa VP, sa halip na pagtuunan ng pansin ng Pangulo ang nararamdaman ng bayan gaya ng problema sa pagkain at petrolyo.

Dahil lamang umano kay Sen. Imee Marcos kaya siya tumakbo bilang Vice President ni BBM.

Umani ng batikos si VP Sara mula sa kampo ni BBM dahil hindi nito maipaliwanag ang P16 bilyon na ginastos sa confidential funds habang kalihim ng DepEd.

Sa aking opinyon, ngayon pa lang ay basagan na ng trip ang bawat kampo nina BBM at VP Sara, na magpapatuloy habang nalalapit ang midterm elections sa May 2025. Patuloy ang trolls sa social media ng dalawang kampo.

Litong-lito ang taongbayan sa sandamakmak na mga fake news sa magkabilang kampo.

‘Yan ang politika sa ating bansa, kakampi mo noon, kaaway mo ngayon. Kaaway mo noon kakampi mo ngayon!

Ito namang mga bashers, parang kilala sila nina BBM at VP Sara kung magkomento sa social media.

Hindi ba puwede bumoto na lang kung sino ang gusto at ‘wag na magsiraan. Sigurado darating ang araw na may magpapatayan dahil kina BBM at VP Sara. Ipapa-ospital ba kayo ‘pag nagpatayan kayo o ipalilibing ba kayo? Tama na ‘yung sumuporta kung sino kina BBM at VP Sara ang gusto ninyo.

Pero true ba o fake news na tatakbo si VP Sara ng Presidente? True ba na ayaw ni PRRD na tumakbong Pangulo ang anak nitong si Sara?

Abangan!

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …