Liam Payne

Liam Payne, dating One Direction singer, 31
patay nang mahulog sa hotel sa Argentina

KINOMPIRMA ngArgentine Director of Emergency Medical Services na si  Alberto Crescenti na hindi nakaligtas  sa kamatayan si Liam Payne, dating One Direction singer, edad 31 anyos, nang mahulog sa interior patio ng isang hotel sa Buenos Aires, Argentina Miyerkoles ng gabi (ngayong Huwebes ng umaga sa Filipinas).

Ayon sa Yahoo News, ang nabanggit na English singer ay natagpuang patay Miyerkoles ng gabi sa labas ng CasaSur Palermo Hotel, sa Buenos Aires.

Noong 2010, sumikat si Payne sa U.K.’s “The X Factor” nang maging miyembro ng boy band na One Direction. (Yahoo News)