
NAGSANIB-PUWERSA ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kasama ang ride-hailing companies na Angkas at CarBEV, sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga nagtungo sa mga sementeryo sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ang programang “Libreng Sakay sa Undas” ay magpapatuloy hanggang 5 Nobyembre, na nagsimula nitong 1 Nobyembre, sa mga oras na 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.
Sa ilalim ng programa, makikinabang ang publiko sa libreng sakay ng Angkas’ Angcars EV fleet sa mga pangunahing sementeryo at terminal sa Metro Manila.
Maaaring ibaba at isakay ang mga pasahero sa pick and drop-off points sa Heritage Park, Taguig patungong Market! Market! at MRT Ayala Station; Manila North Cemetery patungo sa SM Grand Central (Caloocan) at Ayala Cloverleaf (Balintawak); at Manila South Cemetery patungong LRT Buendia, Manila Circle, at Mandaluyong.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com