Friday , November 7 2025
Chris Cahilig CinePanalo Filmfest CPFF

Puregold CinePanalo 2026 mas pinalaki at kaabang-abang, 7 finalists inanunsiyo na!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANGpitong pelikulang napili para sa CinePanalo Film Festival 2026 ay inanunsiyo na last Oct. 25 sa Gateway Mall 2, Cineplex, Cinema 12. 

Ang mga pelikulang ito ay ang “Wantawsan” ni Joseph Abello, “Mono no Aware” ni BC Amparado, “Apol of my AI” ni Thop Nazareno, “Patay Gutom” (Dead Hunger) nina Carl Papa at Ian Pangilinan, “Beast” ni Lawrence Fajardo, “Stuck on You” ni Mikko Baldoza, at “Multwoh” ni Rod Singh.

Ang event ay pinangunahan nina Festival Director Chris Cahilig at Mr. Jim Baltazar ng CMB Film Services Inc.

Umabot sa 203 ang entries na isinumite rito, na-trim down ito sa 70 hanggang sa naging 33. Mula rito ay naging 15 ito hanggang sa nakapili ng 7 finalists.

Bawat isa sa pitong entries ay makakatanggap ng production grant na P5,000,000 at lalaban sa festival’s awards.

Kasama ni Direk Chris sa selection committee na pumili sa mga entry sina Direk Jeffrey Jeturian, Moira Lang, Veronica Velasco, at Ms. Ivy Hayagan Piedad ng Republic Creative Creations Inc. (Puregold’s creative agency).

Sa panayam namin kay direk Chris, ito ang kanyang ipinahayag, “Ang mga pelikula next year ay very diversed. Iba-ibang timpla ang matitikman nila sa luto ni Aling Puring sa Cinepanalo next year. Mayroon tayong mga pelikulang hindi inaasahan na makikita natin.

“Mayroon pa rin tayong the normal na film festival films, na art films, pero intertwined with, nandoon pa rin iyong very commercial mainstream films na talagang mag-eenjoy ang mga tao.”

Aniya pa, “Nakaka-overwhelm, kasi hindi ko ine-expect na ganoon karami ang babasahin kong materials at i-screen, given the short time na kailangan kong magawa. So, masasayang-masaya ako, kasi 203 full-lenght scripts, ibig sabihin ipinagkatiwala talaga ng mga filmmakers na ito ang mga pelikulang gusto nilang gawin sa amin.”

Positibo rin si direk Chris sa bilang ng mga student filmmakers na sasali rito.

Aniya, “Last year over 200 entries yung nakuha namin from the student Shorts, Ngayon na mas malaki pa yung grants at mas mahaba pa ang time na mag-prepare sila and everything, nararamdaman ko na napakarami ang papasok.

“So, Cinepanalo is always been the home of student filmmakers. Ito lang ang kaisa-isang malakihang film festival na naka-focus sa mga student filmmakers. And this year ay mas masaya dahil mayroon tayong mga partners na tutulong sa kanila. Maliban sa 200 thousand grant na ibinibigay namin sa kanila in cash, thats double already from last year, mayroon pa tayong isang ibibigay, mayroong tayong free camera and lens mula sa Canon at mayroon silang rental equipments galing sa IM Rental. So, ang saya lang, kasi makakagawa talaga sila ng mga napakagagandang pelikula,” sambit pa ni Direk Chris.

Ito naman ang pahayag ni Puregold Senior Marketing Manager Ivy Hayagan-Piedad.

”Puregold has always believed in the power of supporting and nurturing Filipino artists. It is one of Puregold’s greatest prides that CinePanalo has grown to this level and given so many Filipino filmmakers the chance to produce world-class movies. We have no doubts that the seven films competing next year will be no exception,”

Ang mas magarbong Puregold CinePanalo ay gaganapin sa Gateway Cineplex 18 at Ayala Mall Cinemas sa susunod na taon.

Suportado ang festival ng Canon Marketing Philippines, CMB Film Services, Terminal Six Post, IM Rental, the Asia Pacific Film Institute, Stage Post Audio and Music Productions, Inc., the Film Development Council of the Philippines at ng Movie and Television Review and Classification Board.

Para sa iba pang impormasyon sa Puregold CinePanalo, maaaring icheck ang official Festival Facebook page at facebook.com/puregoldcinepanalo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …

Marianne Bermundo

Marianne Bermundo espesyal ang debut, focus sa studies at career

BATA pa lang nang nakilala si Marianne Bermundo bilang beautyqueen-model. Ngayon ay ganap na siyang dalaga …

Leah Navarro Richard Reynoso Gino Padilla OPM Then and Now

Leah, Richard at Gino, tampok sa “OPM: Then & Now” sa Music Museum sa Nov. 6

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SPECIAL guests ang mga premyadong mang-aawit na sina Leah Navarro, Richard Reynoso, …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Alphaland nilinaw Chiz, Heart walang ari-arian

I-FLEXni Jun Nardo WALANG pagmamay-ari o anumang ari-arian sa loob ng Alphaland Baguio Mountain Lodges …

Anjo Yllana Tito Sotto

Tito Sotto deadma sa pagngawngaw ni Anjo

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY lang sina Tito, Vic and Joey sa everyday nilang ginagawa sa Eat Bulaga kahit ngumangawngaw si Anjo Yllana sa …