Tuesday , November 11 2025
Mayton Eugenio Jean Kiley Hongkong Kailangan Mo Ako

Nijel de Mesa’s “Hongkong Kailangan Mo Ako” mapapanood na sa NDM+

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATAGAL nang inaabangan ng mga OFW sa Hongkong ang pelikula ni Direk Nijel de Mesa na nagtatampok sa mga OFWs doon.

Starring si Mayton Eugenio at ang kilalang host-singer-dancer na si Jean Kiley sa palikulang “Hongkong Kailangan Mo Ako”.

Huling ipinakita sa NDM Original Film Festival sa Japan ang naturang pelikula na umani ng papuri mula sa madla. At sa kauna-unahang pagkakataon maaari na itong mapanood sa NDM+, isang streaming platform based sa Singapore na nagtatampok din ng iba pang mga orihinal na gawa ng NDMstudios.

“Excited na akong mapanood ito ng mga tao kasi pinaghirapan talaga namin ito,” sabi ni Jean.

“Nakakalungkot lang na hindi na ito mapapanood ng creative staff namin na si Eric, na kasama namin noong ginawa namin ito sa Hongkong,” dugtong ni Direk Nijel.

Pumanaw kasi ilang araw bago malunsad ang NDM+ ang beteranong audio man na si Eric Adriano.

“We wanted to do a unique girl buddy comedy sa pelikulang ito. Puro malas ang nangyari sa mga characters,” wika ni Direk Nijel. “Sana ma-inspire ang mga tao na makita ang ganda ng buhay sa gitna ng mga kamalasan,” aniya pa.

Sabay-sabay nating panoorin ang Hongkong Kailangan Mo Ako ngayong buwan, hanggang Pasko sa NDM+.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …