Friday , November 7 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

“Ang sabi sa akin…” vs. “Ako mismo…”

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SA GITNA ng mga imbestigasyon sa flood control anomalies, malinaw ang pagkakaiba ng dalawang uri ng testigo: ‘yung nakarinig lang at ‘yung mismong nakakita.

Si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, ayon sa mga lumabas sa pagdinig, ay puro kuwento lang ang bitbit. Maraming pangalan, maraming pahiwatig. ‘Yun nga lang ay kulang sa ebidensiya. Ang karamihan sa kanyang mga pahayag ay second-hand information, sabi-sabi mula sa kung sino-sinong kakilala o “sources”. Sa madaling sabi: may narinig, pero walang napatunayan.

Samantala, si dating Marine Orly Regala Guteza ay naglabas ng kongkretong detalye. Hindi siya nagsalita ng “sabi ni ganito” o “narinig ko raw”. Siya mismo ang nagsalaysay kung paano niya personal na ihatid ang mga maleta ng pera sa mga bahay nina Rep. Zaldy Co at Speaker Martin Romualdez. Alam niya ang eksaktong petsa, lugar, at bilang ng maleta. Hindi ito mga haka-haka lamang, kundi mga kaganapang mismong siya ang nakaranas.

Dito nagkakaiba ang bigat ng testimonya. Ang isa, parang marites sa committee room; ang isa, testigo sa kasaysayan.

Ang hearsay, puwedeng makadagdag ng kulay, pero balewala ito sa pagsasaliksik ng katotohanan. Ang personal knowledge ang tunay na pundasyon ng kredibilidad.

Kaya sa mga sumasabay sa ingay ng politika, tandaan na ang tunay na katotohanan, hindi nasusukat sa dami o makulay na mga salita. Ito ay nasusukat sa bigat ng ebidensiyang dala ng nagsalaysay ng testimonya.

Sa panahon ng puro narinig at pa-pogi sa hearing, mas kailangan natin ang mga taong nakakita, nakaranas, at nagsabi nang totoo, kahit gaano pa ito kadelikado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Sen. Bong Go lang ang tinukoy sa ‘insertion’

SIPATni Mat Vicencio BAKIT sa tatlong DDS na senador, tanging si Sen. Bong Go lang …

Firing Line Robert Roque

Malabong policy ng MPD vs smokers

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GETS ko naman — bawal manigarilyo o mag-vape sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hall of Fame award, muling nasungkit ng QC LGU

AKSYON AGADni Almar Danguilan UNANG pinarangalan bilang Hall of Fame sa larangan ng pakikipagnegosyo ang …

Firing Line Robert Roque

Linis-bahay si Remulla

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MISTULANG kasado na ang bagong Ombudsman, si dating Justice …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Buwis, puhunan ng pag-unlad

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA BAWAT reklamo tungkol sa buwis, laging kasama ang tanong na …