ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
HINDI itinanggi ni Angelica Hart na lalo siyang naging inspiradong magtrabaho ngayon dahil kasama ng aktres sa TV series na “Totoy Bato” si Andrew Muhlach.
“Yes po, inspired akong magtrabaho ngayon,” nakangiting tugon niya.
Nabanggit din ng aktres na dream project niya ang Totoy Bato. “Ang dream project ko po actually, ito pong teleseryeng Totoy Bato, dream ko po talaga ang sumabak sa action. Kasi, ang idol ko po ay si Angelina Jolie.
“So, nang napasok po ako rito, sobrang saya ko po, kasi po, kahit sino naman ay pangarap magkaroon ng teleserye, hindi ba? Kaya thankful po ako talaga sa Totoy Bato,” masayang sambit pa ni Angelica.
Pahabol niya, “Actually po ang daming dumating sa aking problema, pero kinakaya naman po.”
Kuwento pa niya. “Sa serye po, ang role ko ay si Pierra, tagahawak ng sikreto at nagtatrabaho sa Bahay na Pula, medyo bad pa ako rito ngayon, GRO ako roon. Si Jett (Andrew Muhlach) ang love interest ko rito sa Totoy Bato na pinagbibidahan ni Kiko Estrada.”
Ayon pa sa aktres, bukod sa pagpasok niya sa Totoy Bato, si Andrew ang rason kaya siya inspired. Siyam na buwan na ang relasyon nila ni Andrew. Younger brother ni Aga Muhlach si Andrew.
Wika ni Angelica, “Na-introduce na ako ni Andrew sa Muhlach family, sa mga kapatid niya, kay Tito Alex, at iba pa. Sobrang saya ko po nang na-meet ko ang family niya, sobrang down to earth po nila…Pero noong una po kinabahan ako, siyempre. Kasi buong pamilya nila nasa showbiz, hindi po ba?
“Kinabahan ako, kasi hindi naman lahat open sa, alam mo iyon? Na nagpa-sexy ako, sa nature ng work ko po. Na baka hindi nila ako magustohan, pero nagulat po ako na tinanggap nila ako nang sobra. Sobrang saya po nilang kasama, parang family po ang trato nila sa akin.”
Paano niya ide-describe ang relasyon nila ni Andrew? “Parang roller coaster po, e, kasi siyempre… actually lahat nang relationship na pinasukan ko, hindi talaga naging okay at walang mintis na third party ang dahilan ng split-up namin, kaya may trauma po, may trust issue ako.
“Ang maganda po kay Andrew, actually siya ang naglapit sa akin kay Lord at sinusuportahan niya talaga ako,” pakli pa ng magandang aktres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com