Monday , November 17 2025
Paolo Gumabao Dante Balboa Benjie Austria Walong Libong Piso Bentria Productions 

Produ na si Benjie Austria, happy sa R-16 rating ng “Walong Libong Piso”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGPAPASALAMAT ang mabait na movie producer na si Engineer Benjie Austria ng Bentria Productions dahil kahit maselan ang mapapanood na “subject matter” at “nudity” sa kanilang pelikula, nabigyan ito ng MTRCB rating na R-16. Kaya mapapanood ang movie version ng Walong Libong Piso, pati sa mga SM mall, nationwide.

Pahayag ni Engr. Benjie, “I’m happy na na-approve sa MTRCB ito na ang rating ay R-16, kaya mapapanood ito pati sa mga SM malls. Sana makabawi sa sinehan, medyo hindi tayo nakabawi, pero hopefully sana ay ma-improve natin iyong ating film industry.”

Aniya pa, “Napag-isipan namin na gawin ang film version, kasi iyong mga tao, gusto itong mapanood sa big screen. I Think, iba siguro ang tingin nila roon sa stage play, na actual… rather than sa big screen.”

Mapapanood na ang inaabangang film version simula ngayong araw ng Wednesday, October 22 na ang pinalad na magbida ay si Paolo Gumabao. 

Ang pelikula na isinulat at pinamahalaan ni Direk Dante Balboa ay unang napanood sa teatro. Pinag-usapan sa play ang mapangahas na paghuhubad ng mga bida. Pero sadyang kailangan ang kanilang paghuhubad dahil hinihingi ng kuwento, kaya lumabas ito sa artistikong pamamaraan.

Nagpatalbugan sina Paolo, Drei Arias, Juan Paolo Calma, at Jhon Mark Marcia, hindi lamang sa pagbibilad ng kanilang katawan kundi sa aktingan.

Naging matagumpay ang 12 shows na ginanap sa Teatrino noong Agosto and due to insistent public demand, dahil maraming nabitin, pinutakte ito ng request na re-run. Kaya magbabalik ang Walong Libong Piso sa mga sumusunod na dates – November 29, December 5, 12, at 14. May dalawang show sa mga nabanggit na dates, isang 6:00pm at 9:00pm.

Sa re-run ay idinagdag ang bagong hunk aktor na si Jorge Guda na miyembro ng all male group na Magicvoyz. Personal na pinili ng executive producer ng Bentria Productions si Jorge, among sa mga nag-audition. Malakas ang kanyang dating, guwapo at palaban. 

Anyway, ang isa pang pelikulang aabangan sa Bentria Productions ay ang “Graduation Day” na pinagbibidahan nina Jeric Gonzales at Elizabeth Oropesa. Ito ay ipalalabas sa mga eskuwelahan, ang playdate nito sa mga sinehan ay sa Marso 2026.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

AFAM Wives Club

AFAM Wives Club reality series ukol sa pag-ibig at makabagong Filipina

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAIINTRIGA ang bagong handog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality …

Richard Gutierrez Ivana Alawi

Richard walang arte kahit dugyot ang hitsura; saludo kay Ivana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINUPURI ng karamihan ang pagiging propesyonal ni Richard Gutierrez pagdating sa tabaho. Mula …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

Stephan Estopia Kiray Celis

Kiray Celis, nilinaw nag-viral na photo sa Japan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NILINAW ng aktres-entrepreneur na si Kiray Celis ang nag-viral na …

Waynona Collings Princess Aliyah Reich Alim Fred Moser

Unang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado na

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAKILALA noong Linggo ang unang mga nominado ng Pinoy Big Brother Celebrity …