Tuesday , November 11 2025
Will Ashley Bianca de Vera Dustin Yu

Will nasolo si Bianca, naisahan si Dustin

I-FLEX
ni Jun Nardo

BENTANG-BENTA ang lambingan at harutan nina Bianca de Vera at Will Ashley sa katatapos na concert ng huli sa New Frontier Theater nitong mga nakaraang araw.

Kalat na kalat sa social media ang videos na kuha sa kanila sa stage habang nasa isang sofa, magkatabi, nagyakapan, at inihilig ni Bianca ang ulo sa balikat ni Will na hinaplos naman ng young actor.

Sa isang banda, ang ka-triangle naman nilang si Dustin Yu ay nasa Bacolod City para sa Masskara Festival. Fans ang kanyang kasama noong oras na magkasamang naglalambingan sa stage sina Will at Bianca!

‘Yun nga lang, kaagaw ni Will sa maraming posts sa social media ang panalo ni Emma Tiglao sa Miss Grand International 2025 bilang kinatawan ng bansa.

Pasabog ang evening gown ni Emma habang rumarampa!

Nagmula rin sa Pilipinas ang nakaraang taong winner ng nasabing pageant.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …