ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
KABILANG si Richard Quan sa mga bagong pasok na character sa patok na TV series na Batang Quiapo.
Inusisa namin ang versatile na aktor kung ano’ng role ang gagampanan niya sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.
Pahayag ni Richard, “Gagampanan ko ang role ni Mauro Garcia, na father ng character ni Maris Racal.
“Pero maraming nangyari sa kanya sa past na may kaugnayan sa mga existing character ngayon (na hindi pa puwedeng i-reveal). Dati siyang pulis na ka-batch ni Rigor (John Estrada).”
Aniya, “I’m a fan of Maris Racal, e and I’ve seen her work. Alam ko iyong capacity niya as an actress, she’s a very good actress.”
Ayon pa sa aktor, excitement na may halong pressure ang na-feel niya nang mapasali sa nasabing top rating show ni Coco.
“Excited, pero at the same time ay mayroon din kaunting pressure, kasi sobrang successful ng series kaya alam ko na mataas ang expectation nila sa mga actors na kinukuha nila.
“It’s an honor na mapasali sa matagal nang top rated na show. Most of them talaga, I’ve worked with na. So, excited ako na maktrabaho sila, I’m looking forward sa fun-filled at exciting na working relationships sa mga co-actor ko.
“I hope maka-contribute ako kahit paano sa lalo pang success ng Batang Quiapo.”
Ano ang masasabi niya sa kanyang co-actors, lalo na kay Coco na siyang direktor ng seryeng ito?
“Very professional silang lahat, pati mga staff. Alam nila ang ginagawa nila at proud lahat to be part of the series. Mararamdaman mo ‘yun sa set, trabaho talaga, at the same time, magaan sa set.
“Kay direk Coco, ganoon din, very professional siya at alam mong siya ang heart and soul ng show. Pero ang pinaka-impressive, ‘yung humility niya in spite of what he has achieved and continues to do so.
“Marami pa akong puwedeng sabihin kay Coco, pero sobrang haba… Ang bottom line, I am proud and happy to be part of Batang Quiapo, its an honor din na si direk Coco mismo ang pumili sa amin,” pakli pa ni Richard.
Ang FPJ’s Batang Quiapo ay napapanood gabi-gabi, 8PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, at TV5! Mapapanood rin sa iWant at TFC!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com