Wednesday , November 12 2025
AYG Asian Youth Games
BUONG pagmamalaking suot ang disenyo ni Avel Bacudio sina (mula kaliwa) Pi Durden Wangkay at Lorainne Batalla (athletics), Jan Brix Ramiscal (Muay), Harlene Serneche (volleyball), Leo Mhar Lobrido (boxing), magkapatid na Charlie at Travis Ratcliff (MMA), at Rhose Alemndralejo (volleyball). (POC photo)

Malakas ang tsansa ng Pilipinas sa AYG sa Bahrain – Tolentino

MAY bitbit na malakas na laban ang 141-kataong delegasyon ng Pilipinas sa Ikatlong Asian Youth Games na gaganapin mula Oktubre 22 hanggang 31 sa Manama, Bahrain.

“Magsasanay kami at gagawin ang lahat para makakuha ng medalya,” ani Leo Mhar Lobrido, boksingerong isa sa dalawang flag bearer ng bansa, sa isinagawang photo shoot ng national team nitong Lunes sa Rizal Memorial Coliseum.

Si Lobrido, tubong Bago City, Negros Occidental, ay kaka-16 na taong gulang pa lang noong nakaraang Biyernes at isa sa pinakamalakas na pag-asa ng bansa para sa medalya, posibleng ginto, dahil sa kanyang karanasan at pagkapanalo sa Fourth Greater Area Bay Youth Boxing Challenge sa Shenzhen, China noong nakaraang taon.

Ipinahayag din ng isa pang flag bearer na si Harlene Serneche, volleyball star mula sa high school, ang kanyang kumpiyansa na makakapagbigay sila ng karangalan sa bansa.

“May potensyal kami at sana maging kompetitibo kami doon,” ani Serneche, 18 taong gulang at incoming freshman ng National University, sa parehong photo shoot kung saan ipinakilala ang 30 atleta bilang suporta sa delegasyon sa pangunguna ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at ng kanilang mga partner.

“Oo, malakas ang laban ng team na ito,” sabi ni Tolentino, na nagsabing layunin nilang pantayan o higitan ang naitalang medalya ng Pilipinas noong 2013 Asian Youth Games sa Nanjing, China, kung saan nanalo ng dalawang ginto sina Pauline Lopez (taekwondo) at Mia Legaspi (golf), kasama ang tatlong pilak.

Sa photo shoot, suot ng mga atleta ang klasikong unipormeng dinisenyo ni kilalang fashion designer Avel Bacudio, kabilang sina Pi Durden Wangkay at Lorainne Batalla (athletics), Jan Brix Ramiscal (Muay), magkapatid na Charlie at Travis Ratcliff (MMA), at Rhose Alemndralejo (volleyball).

Ang koponan sa volleyball ay binubuo ng high school team ng National University at ang bagong recruit na si Rhose Almendralejo, isang Grade 11 student mula sa Tay Tung High School sa Bacolod City.

“Malaking pressure ito para sa akin dahil pangalawang beses ko pa lang lalaban sa ibang bansa,” sabi ni Almendralejo. “Sana makatulong ako sa team at makapaglaro ng maayos.”

Si Ramon “Tats” Suzara, presidente ng volleyball, ang siyang itinalagang chef de mission ng Philippine team na sasabak sa 18 sa 26 sports na kasama sa programa ng AYG sa Bahrain.

Kabilang sa mga sports na lalahukan ng Pilipinas ay:Volleyball,Teqball,Golf,Triathlon, Mixed Martial Arts, Taekwondo, Muay Thai, Athletics, Boxing, Cycling, Weightlifting, Table Tennis, Badminton, Wrestling, Aquatics, Jiu-Jitsu, Kurash,at Pencak Silat.

Ayon kay Tolentino, handa na ang Bahrain sa pagsasagawa ng palaro na inaasahang lalahukan ng 4,250 atleta, 900 team at technical officials, at 700 coaches. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Girls U17

Alas Pilipinas girls team pasok sa 2026 FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship

AMMAN, Jordan — Nakapagtala ng makasaysayang tagumpay ang Alas Pilipinas girls team matapos masungkit ang …

NU UST SSL Preseason Unity Cup

National University Ipinamalas ang Tunay na Pusong Kampeon sa Game 1 Kontra UST

IPINAKITA ng National University (NU) ang tunay na puso ng isang kampeon matapos masungkit ang …