Tuesday , November 11 2025
MTRCB

MTRCB nag-ulat ng ₱633 million ipon dahil sa maingat na pamamahala ng pondo

INIREPORT ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Senado na may mahigit ₱633 milyon na ipon ang Ahensiya na nakalagak sa Kawanihan ng Ingat-yaman o Bureau of Treasury ng bansa.

Ayon kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto, ito’y pruweba ng matatag na kalagayang pinansiyal ng Ahensya sa mahusay nitong pangangasiwa sa pondo ng bayan.

“Ikinagagalak ko pong ibahagi sa inyo na mula Hulyo 2025, mayroon tayong ₱633,813,462.64 sa ating sinking fund. Ang ipon na ito ay patunay ng ating transparency at kahusayan sa pamamahala ng pampublikong pondo,” sabi ni Sotto sa Senado.

Nalampasan din ng Ahensiya ang itinakdang revenue target. Noong 2024, nakalikom ito ng halos 129 porsiyento higit sa inaasahan, at mula Enero hanggang Hunyo 2025, naabot na nito ang higit 70 porsiyento ng taunang prodyeksiyon.

Ayon kay Sotto, patunay ito na kayang panatilihin ng MTRCB ang operasyon nito habang pinangangalagaan ang pondo ng bayan.

“Ang pondong ito ay patunay na kayang gampanan ng MTRCB ang mandato nito habang iniingatan ang pera na ipinagkatiwala sa amin,” sabi ni Sotto. “Ang aming pananagutan sa sambayanang Filipino ay hindi lamang nakasentro sa mandato kundi kasama rin dito ang katiyakang ang bawat pisong ipinagkatiwala ay pinangangasiwaan nang may integridad.”

Dagdag pa ni Sotto, para sa 2026 budget, ₱55 milyon lamang ang kabuuang hiling ng Ahensiya na magmumula sa pambansang pamahalaan para sa sahod ng mga kawani. Ang natitirang bahagi ay sasagutin mula sa sariling kita ng MTRCB.

Noong Agosto, naghain ng resolusyon si Sen. Jinggoy Estrada na pahintulutan ang Ahensiya na mapanatili ang bahagi ng kinikita nito para direktang magamit sa mga programa.

Layunin ng panukala na palakasin ang kakayahan ng MTRCB kabilang ang mga inisyatibo sa digitalisasyon upang isulong ang responsableng paggamit ng media.

Noong 2024, nakaribyu ang Board ng 267,080 na materyal, habang mula Enero hanggang Hunyo 2025 pa lamang, 103,390 na ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon. Para naman sa pelikula, nalampasan ng MTRCB ang pre-pandemic peak nito noong 2019, mula 550 naging 582 na pelikula ang naribyu noong 2024.

Iniulat din ni Sotto na tumanggap ang MTRCB ng iba’t ibang parangal at pagkilala mula sa mga institusyon at ahensiya.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, napabilang ang Ahensiya sa Hall of Fame bilang Outstanding eNGAS User at kinilala rin bilang Outstanding Accounting Office, na nagpapatunay nang kahusayan at mabuting pamamahala ng MTRCB.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …