ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG Beautéderm founder na si Rhea Tan ay nagsimula na bilang president ng Rotary Club of Balibago, at humataw agad siya sa district-wide initiative na “Handog ng District 3790 sa Kabataan.”
Ipinahayag niyang isang karangalan na maglingkod bilang pangulo ng Rotary Club of Balibago.
Aniya, “I’ve admired the Rotary Club’s charity efforts since the very beginning. It is a club that advocates for communities and assists many underprivileged individuals. It is an honor to serve as president of the Rotary Club of Balibago, with officials and members assisting me.”
Ang CEO at lady boss ng Beautéderm, kasama ang Kapuso stars na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix ay namahagi ng hygiene kits, food mugs, at school bags sa grade three pupils sa Sto. Domingo Integrated School bilang parte ng Rotary Year 2025-2026 kickoff.
Bukod sa donations, pinangunahan din ni Ms. Rhea ang tree planting and food distribution, bilang pagpapakita ng suporta sa education and student welfare, habang nagpapahayag din ng pagtindig at pagpapahalaga para sa environment.
“Ysabel and Miguel made the event more unforgettable. They brought the excitement while also inspiring the children. More than the entertainment they provided, the fact that a celebrity showed up for them means that the children were seen and valued,” sambit ng presidente ng Rotary Club of Balibago.
Dagdag pa ni Ms. Rhea, “So I’d like to thank Ysabel and Miguel once more for gracing the event with such grace and kindness. The children were overjoyed to see them. And, of course, thank you to the entire Rotary Club of Balibago.”
Sinabi rin ni Ms. Rhea na ang kanilang club o samahan ay may mga plano na sa ilang charitable activities para sa buong taon ng 2025, kasama ang projects with Beautéderm.