AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
NAGBALIK-Bureau of Customs (BoC) na pala si dating Office of the Civil Defense (OCD) Director Ariel Nepomuceno. Siya ay nanumpa nitong Lunes, 7 Hulyo 2025 kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa kanyang pormal na pag-upo bilang pinuno ng BoC. Yes, take note po ha PINUNO – Commissioner ng BoC. Wow naman. Tsalap..tsalap…este, lagot kayong mga smuggler may katapat na kayo!
Nabanggit natin na nagbalik-BoC si Nepomuceno dahil noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino, siya ay nanungkulan sa ahensiya bilang Deputy Commissioner – hanggang mapunta sa OCD.
Pero ano ito, kauupo pa lamang ni Comm. Nepomuceno at hindi pa nag-iinit sa trono ay naiintriga na ang bagong Commissioner. Bulung-bulungan sa Adwana na kaya naupo ay dahil sa isang alyas Dragon Lady. Totoo ba iyan? Hindi naman siguro, masipag at magaling lang yata ang mama.
Pinalitan ni Comm. Nepomuceno sa posisyon ay si Bienvenido Rubio na umupo sa BoC noong Pebrero 2023 hanggang Hunyo 2025.
Sa ulat, sa termino ni Rubio nakapagtala ang BoC ng revenue collection na P883 billion noong 2023 at P916 billion para sa taong 2024. Consistent o hindi nagbabago ang koleksiyon t lumagpas pa sa annual targets. Ayos naman pala itong si Rubio. Kaya naman pala may mga nagtataka kung bakit sa kabila ng magandang pamumuno niya ay pinalitan pa siya.
Bukod dito, nagtataka rin ang ilang taga-Adwana kung bakit pinalitan si Rubio sa kabila ng kasipagan, dedikasyon sa trabaho at higit sa lahat ay ang kanyang matagumpay na gera laban sa smuggling (smugglers), mandurugas…..at sa ilegal na droga.
Well, ganyan na yata talaga ang panahon ngayon…kung sino pa ang nagtatrabaho ay sinisibak sa puwesto pero iyong mga nasasangkot sa kababalaghan ay stayput sa posisyon o napupuwesto pa maging iyong non-performing. Bato-bato sa langit lang tayo ha! Fairy godmother, ikaw na po ang bahala! hehehe…
Ops, totoo bang si Rubio ay malapit kay House Speaker? Ano pa man, totoo man o hindi, napalitan pa rin siya sa puwesto. Ikaw nang mayroon alagang dragon na mas malakas pa kay Speaker. Totoo kayang
matindi ‘bumuga ng apoy’ este, bumulong si Dragon Lady sa Palasyo. Palasyo?! Naku po, baka masunog ang Palasyo niyan! Ops anong klaseng palasyo ba iyan?
Teka, ano naman itong bulung-bulungan na mabuti na lang at hindi dumaraan sa Commission on Appointment (CA) ang mga itinatalagang Commissioner ng BoC kung hindi baka raw ulanin ng pagtatanong o paninita ni Senador Ping Lacson.