ISANG pambihira, natatangi, at walang katulad na programa ang inilunsad ng PlayTime para sa sektor ng Philippine Gaming sa bansa.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinahayag ng PlayTime ang paglulunsad ng P100-M pondong ilalaan para sa programang naglalayon maging responsableng manlalaro o mas kilala bilang Responsible Gaming (RG) Fund. Ito ay isang hindi pangkaraniwang inisyatibo hindi lamang para sa brand ng PlayTime, naglalayong magpakita rin ng suporta sa bawat manlalaro sa lahat ng uri ng gaming platform sa bansa, na ang layunin ay itaas ang antas ng buong industriya sa pamamagitan ng nasabing programa.
“Ang Responsible Gaming Fund ay hindi lamang tungkol sa brand positioning – ito ay isang rebolusyonaryong pagbabago sa industriya,” ani Krizia Cortez, direktor ng Public Relations ng PlayTime. “Kami ay nagpaabot ng aming pagtulong sa bawat polisiya, bawat manlalaro, at bawat katuwang sa industriya na siyang naniniwala na ang responsableng paglalaro ay hindi lamang mabuting gawi ngunit isa itong pagpapakita ng kagandahang asal. Ito ay isang hamong makibahagi ang lahat at nangangailangan ng solusyong pinagsasaluhan.”
Sa pamamagitan ng initiatibong ito, inaanyayahan ng PlayTime ang pagsasagawa ng malawakang pambansang dialogo – isang daan na magdadala sa mga manlalaro, mga pamilya, mga propesyonal, at mga institusyon sa isang mahalaga at makabuluhang pag-uusap. Hindi ito nalilimitahan sa mga polisiya at sistema, kasama rin ang lahat na siyang nakikipag-ugnayan, nakikinabang, at naapektuhan ng online gaming sa kasalukuyang, konektadong mundo.
Ibahagi ang iyong Kwento: Isang Paanyaya sa Bayan
Bahagi ng programang RG Fund, naglabas ang PlayTime ng isang anunsyo sa pamamagitan ng kwentong #LarongWais. Bawat mamamayang Filipino – mga manlalaro, magulang, guro, at mga tagapagtaguyod ng programang ito ay inaanyayahang magbahagi ng personal na kwento tungkol sa karanasan nila bilang responsableng manlalaro at isumite ang kanilang kwento sa kwento-mo @larongwais.com. Maaaring nilalaman ng kwento ay tungkol sa mga pagharap sa iba’t ibang hamon, mga pambihirang tagumpay, o pagtatakda ng hangganan na siyang sumasalamin sa kung ano ang kahulugan ng paglalaro ng may mabuting hangarin, balanse at kamalayan sa sarili.
Ang mapipiling kwento ay kakatawan bilang ‘Responsible Gaming Ambassadors.’ Sila ang magiging boses na kakatawan sa realidad at karanasan sa likod ng adbokasiya at mga polisiya. Sila ang magsisilbing mga tagapagsalaysay at mga tagapagtaguyod ng responsableng paglalaro na tutulong magdala ng kampanyang ito sa mga pamayanan, ibang sektor at henerasyon.
Maglalaro na may layunin, Mamumuno na may pananalig
Habang ang mga alalahanin ukol sa hindi magandang dulot ng sobrang paglalaro ng online games sa pag-uugali ng tao ay makatwiran, mahalagang kilalanin ang isang katotohanan na nananatiling malinaw: karamihan sa mga manlalaro ay nasisiyahan sa paglalaro ng mga online game bilang pagmumulan ng paghahanap ng libangan, pananabik at balanse sa kanilang pansariling kasiyahan. Ngunit sa mga taong nakikita ito bilang panganib, ang industriya ay may responsibilidad na dapat tumulong na may pakikiramay, kalinawan, at pananalig.
Ang Responsible Gaming na initiatibo ng PlayTime ay isang imbitasyon sa lahat na pag-isipang muli, ibalangkas muli at iwasto muli ang paglalaro bilang pwersa para sa kabutihan.
Hindi bilang pagmumulan ng panganib bagkus ay daan para sa isang positibong pakikipag-ugnayan, disiplina sa sarili at maingat na kasiyahan lalo’t kung susuportahan ng wasto at may pangangalaga sa kapaligiran.
Hindi lamang ito isang kampanya ng PlayTime. Ito ay paanyaya sa industriya, sa kahalagahan ng publiko at pagbibigay oportunidad sa bansa na muling liwanagin ano ang ibig sabihin ng responsableng paglalaro.
Ang kaganapan ng makabuluhang pagbabago ng paglalaro online ay magsisimula ngayon at ito ay magsisimula sa ating lahat.