Wednesday , July 16 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

No VIP treatment kay Teves — CSupt. Montalvo

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

ITO ang pagtitiyak ng bagong upong regional director ng Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Regional Office (BJMP-NCRO) Chief Supt. Noel Baby Montalvo kaugnay sa paglipat kay expelled Negro Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr., sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig alinsunod sa ipinag-utos ng korte sa Maynila.

Ang Metro Manila District Jail ay nasa ilalim ng BJMP-NCRO.

Nitong 9 Hunyo 2025, inilipat si Teves nang mabigo ang panig ng depensa na paboran ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 ang kahilingan ni Teves na manatili siya sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Simula nang dumating sa bansa si Teves noong 28 Mayo, mula Timor-Leste, siya ay nakadetine sa pasilidad ng NBI sa  Muntinlupa.

Ayon kay Montalvo, matapos ang pagsasalin sa kanya bilang bagong hepe ng BJMP-NCRO nitong Lunes, 16 Hunyo,  mahigpit na ipinag-utos ni  BJMP Chief, Director Ruel S. Rivera, na panatilihin ang pantay-pantay na pagturing sa mga persons deprived of liberty  (PDLs) — sila man ay may dating katungkulan sa pamahalaan tulad ni Teves.

“Tinitiyak ko na walang VIP treatment kay Teves. The treatment to him will be the same to others (PDL). Although mas mataas nang konti ang level ng security sa kanya – it will be tighten (for security) pero definitely  walang VIP treatment sa kanya – bawal iyan sa BJMP,” pahayag ni Montalvo.

Samantala, ang ginanap na okasyon ay sinaksihan naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersectary Seferino Barreto bilang representante ni DILG Secretary Jonvic Remulla.

Si Montalvo ay isa lamang sa mga opisyal na nabigyan ng mas mataas na katungkulan at pananagutan sa ahensiya.

Sa talumpati ni Barreto, ipinaalala niya sa mga bagong upong opisyal sa kani-kanilang bagong posisyon at responsibilidad na igalang ang kanilang mga tauhan maging ang mga PDL.

“Kung hindi sa inyong mga tauhan, wala kayo ngayon sa inyong posisyon – hindi ninyo kayang abutin iyan ng mag-isa. Maging ang mga PDL, dahil sa kanila kaya nandiyan kayo,” pagpapaalala ni Barreto.

“Ang mga PDL ay hindi alipin. Tigilan na ang estilong pagtawag ng “Tata” sa inyo. Tigilan na ang pag-aalaga ng ‘trustees’.  Tulungan natin sila,” ayon pa kay Barreto.

Pinaalalahanan din ni Barreto ang mga opisyal na ang sabihin ng PDL ay kailangan silang (P)aglingkuran, (D)amayan at (L)ingapin.

Naniniwala naman ang marami sa kakayahan ni Montalvo para sa kanyang bagong responsibilidad… patunay diyan ay ang kanyang mga dating pinanghawakang mabibigat na posisyon at responsibilidad na kahit minsan ay hindi siya nasabit sa anomalya o kapalpakan.

Kaya, nakaseseguro si Dir. Rivera kay Montalvo na mahigpit nitong iimplementa ang lahat ng programa ng BJMP hindi lamang para mapanatili ang magandang imahen ng ahensiya kung hindi lalo ang para sa kapakanan, reporma, o rehabilitasyon ng mga PDL — ang ituring pa rin silang isang  mamamayan at hindi isang kriminal. Higit sa lahat ang pagturing nang pantay-pantay sa mga PDL.

Uulitin natin, ‘Ika nga ni Montalvo – “there will be no VIP treatment among PDLs.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Sipat Mat Vicencio

Kung iuuwing bangkay si Digong… sibak si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ‘BUTO’T BALAT’ na lamang ngayon ang pangangatawan ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

PR, photo ops ni Romualdez bumabaha, para saan?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PANSIN n’yo ba na halos araw-araw ay may mga lumalabas na …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Simbolismo laban sa batas: Ano ang ibig sabihin ng panawagan ng Senado na pauwiin si Duterte mula sa ICC?

PADAYONni Teddy Brul KAMAKAILAN, nilagdaan ng tatlong senador ang isang resolusyon na nananawagan ng agarang …