ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MARAMI ang pumuri sa ipinakitang acting ni Paolo Gumabao sa pelikulang “Spring In Prague” ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio.
Bida sa pelikula sina Paolo bilang si Alfonso Mucho na isang resort owner sa Puerto Galera at ang Czech-Macedonian actress na si Sara Sandeva sa papel ni Maruska Ruzicka.
Ang Spring in Prague ay isang love story ng dalawang taong mula sa magkaibang culture. Pero sila ay pinagtagpo ng tadhana na nagresulta ng isang wagas na pagmamahalan, kahit pa may tutol at balakid sa kanilang relasyon.
Bukod sa magandang pagkakagawa at mahusay na acting ng casts lalo ng lead stars ditong sina Paolo at Sara, makikita rin sa pelikula ang ilan sa magagandang lugar sa Czech Republic, Puerto Galera, and Tagaytay sa Filipinas.
Ayon kay Paolo, “Dream come true sa akin ang role ko sa pelikula. Isa pa, matagal ko nang pinangarap na gumawa ng pelikula sa ibang bansa.”
“I play the role of of Alfonso, a Filipino resort owner sa Puerto Galera. Isa siyang independent, hardworking man,” sambit ng aktor.
Pinuri ni Paolo ang kanyang leading lady dito. “It was lovely working with her. She’s very professional. Nakikita mo talaga ang standards nila sa work abroad. Ang dami ko rin natutuhan sa kanya.
“She’s also very collaborative. She was easy to work with. You really witnessed how she worked and how professional she was,” sabi niya ukol kay Sara.
Nakangiting dagdag ng aktor, “Ang hirap pala mag-English habang nanginginig ang kalamnan mo sa lamig. But it was a wonderful experience.”
Nabanggit din ni Paolo na saludo siya sa kanilang producer na si Atty. Topacio.
“Kaya kami laging nagkakatrabaho ni Attorney, because we appreciate each other. Si Attorney Topacio, napakabuti at napakaayos na producer niyan. He cares about his people and his crew.”
Ang pelikula ay mayroong diplomatic significance, ito ay ire-release sa golden celebration ng 50th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Filipinas at Czech Republic. Ang production team ay nagkaroon pa ng courtesy visit kay Ambassador Eduardo Martin R. Meñez sa Philippine Embassy sa Prague sa kanilang last day ng shooting dito.
Samantala, aminado si Atty. Topacio na isa si Paolo sa pabirito niyang aktor para sa kanyang movie company.
Aniya, “My next movie project for Paolo Gumabao is a sexy, science-fiction na horror… Medyo mas marami kayong makikitang ‘skin’ from Paolo Gumabao in that movie.
Pahayag ni Atty. Topacio, “This is a romantic comedy with depth and historical allusions… It’s a love story, yes, but it’s also a celebration of the enduring friendship between two nations.”
Kuwento niya, “It’s so hard to get a permit in Prague. It’s not that simple, especially when we filmed in Charles Bridge.
“But the people of Prague were very warm. Sara was a big help. She even invited us to the restaurant of her dad.”
Ang pelikula ay isinulat ni Eric Ramos at mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan. Tampok din sa pelikula sina Marco Gomez, Elena Kozlova, Ynah Zimmerman, Keahnna Reyes, Tori Topacio, Esel Ponce, at iba pa.
Sa September 5, 2025 ay ipalalabas sa isang film festival sa Prague ang Spring in Prague.