Friday , June 13 2025
Negros Power

Negros Power, naghatid ng malaking pagbabago sa electric service sa loob lamang ng 9 buwan

MALAWAKANG pagbabago sa impraestruktura at nakapaghandog ng kalidad na serbisyo ang agad naipatupad sa loob ng siyam na buwan mula nang i-takeover ang electric service sa Central Negros, ng Negros Electric and Power Corporation(Negros Power).

Sa ulat at dialogo ng mga business leaders at consumers group inilatag ni Negros Power President at CEO Roel Castro ang comprehensive report na nagdedetalye nang mga nagawa ng proyekto mula nang magsimula ang kanilang operasyon noong Agosto 2024.

“From day one, our goal has been to modernize the system, restore public confidence, and extend reliable, responsive electric service to all. The progress we’ve made is just the beginning of a broader transformation,” ani Castro.

Ilan sa naisagawa nang Negros Power ay kompletong rehabilitasyon ng Alijis Substation at

30-kilometer Bacolod–Silay 69kV subtransmission line na pinalitan ang mga poste at electric line.

Naglagay ng Automatic Circuit Reclosers, Load Break, Disconnect Switches, paglalagay ng rubber inserts upang hindi mapasok ng mga hayop, paglalagay ng mga energy-efficient na distribution transformers at pinalakas ang kampanya laban sa anti-electricity pilferage.

Libo-libong mga digital electric meters ang ipinalit sa mga kabahayan nang walang dagdag singil at naglagay ng mahigit sa 100 payment centers upang maging mabilis ang pagbabayad.

Pinabilis ang proseso ng aplikasyon ng koryente at 24/7 ang customer service team na maaaring mahingan ng tulong o impormasyon.

Ayon kay Castro, isa sa kanilang malaking tagumpay sa nakalipas na siyam na buwan ay ang pagbibigay ng koryente sa mga lugar na wala pang supply sa ilalim ng Sitio Electrification Program.

“No one should be left in the dark. The Sitio Electrification Program is about progress and inclusion. We did it in 17 sitios and invested nearly 26 million pesos, benefiting 1,671 households,” paliwanag ni Castro.

Patuloy ang modernisasyon na gagawin ng Negros Power kasama rito ang paglalagay ng

centralized control center, Supervisory Control and Data Acquisition (SCADA) systems, paggamit ng drones para sa aerial surveys, thermal scanning at Geographic Information System (GIS) para sa asset mapping.

Inilinaw ni Castro na bagamat mayroong mga bagong impraestrukstura ay nanatili pa rin na “affordable” ang singil sa koryente ng Negros Power.

Pinuri ng business groups ang malaking pagbabago na ginawa ng Negros Power, sinabi ni Wennie Sancho, Presidente ng Alliance of Concerned Consumers in Electricity and Social Services (ACCESS) na matagal na panahong nagtiis sa palyadong electric supply ang mga residente ng Negros na ngayon ay isa isa nang sinosolusyonan ng Negros Power.

Kompiyansa si Frank Carbon ng Bacolod Chamber of Commerce and Industry na kasunod na ang economic growth ng rehiyon bunsod ng maasahang supply ng koryente.

“Stable and modern power is essential to economic growth. The direction Negros Power is taking is exactly what Bacolod and the rest of Central Negros need,” ani Carbon.

Tiniyak ng Negros Power na tuloy-tuloy pa ang pag-invest nila ng malaking halaga hanggang tuluyang maisaayos ang serbisyo sa buong Central Negros sa loob ng susunud na apat na taon.

“The journey has just begun. We owe it to our consumers to deliver reliable, accessible, and affordable electricity for years to come. We are asking for the patience and understanding of consumers as we need four more years for consumers to feel the improvements of our full rehabilitation and modernization plan,” pagtatapos ni Castro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga …

061325 Hataw Frontpage

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

HATAW News Team HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang …

Bella Belen Alas Pilipinas AVC Womens Volleyball Nations Cup

Sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi, Vietnam
Alas Pilipinas (Women’s) ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan sa panalo kontra Kazakhstan

TINALO ng Alas Pilipinas ang mas mataas na ranggong koponan ng Kazakhstan, 25-21, 25-15, 25-19, …

GameZone Vice Ganda FEAT

IT’S A MATCH! GameZone launches dynamic new chapter with Vice Ganda as its first-ever ambassador

The newest logo of DigiPlus’ youngest gaming platform – GameZone. The game just got better …

AVC Womens Volleyball Nations Cup

Alas Pilipinas wagi laban sa New Zealand

ALAS PILIPINAS ay wagi kontra New Zealand, 25-17, 25-21, 25-18, upang manatiling buhay ang pag-asa …