
DAPAT tapos na ngayon ang impeachment kung hindi nag-astang ‘bantay-salakay’ si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa kanyang sumpa na ipagtatanggol ang Saligang Batas at ang kapakanan ng taongbayan.
“Mahigit apat na buwan na ang nakalipas at wala pang ginawa si Chiz upang simulan ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte sa salang pagnanakaw ng milyones na confidential funds at nagbanta na ipapapatay ang First Family,” ani Atty. Howard Calleja.
“Traydor si Chiz. 5 Pebrero pa isinampa ang impeachment complaint sa Senado. Actually, hanggang Pebrero 7 pa ang kanilang calendar bago mag-adjourn pero minadali niyang i-adjourn ang senado isang oras pagkatanggap ng complaint. Hanggang ngayon, hindi pa sinimulan ang proseso ng paglilitis,”dagdag niya.
Sabi ni Calleja, dahil sa pagteteka-teka ni Chiz, ang daming legal questions ngayon ang iminumungkahi ng mga kakampi ni VP Sara upang hindi maungkat kung saan napunta o naitago ang ninakaw na pondo.
Ngunit ‘yung mga interpretasyon naman nila sa konstitusyon ay mali at napakababaw.
“Pagnanakaw sa kaban ng bayan ang usapan pero parang ayaw ni Chiz habulin. Sa batas, ang tawag doon ay kasama siya sa krimen. Complicit sa Ingles,” sabi ni Calleja.
Kaya katakot-takot ang batikos kay Chiz at siya ngayon ay “most hated” politician, sabi ni Calleja.