ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAGING matagumpay ang taunang outreach project ng TEAM (The Entertainment Arts & Media) sa Child Haus na ginanap last month. Ito ang Gift Giving and Feeding project na isa sa highlight ng mga proyekto taon-taon ng aming media group.
Ang Child Haus ay matatagpuan sa F. Agoncillo St., sa Malate, Manila, ito ay pansamantalang tirahan (half-way house) para sa mga kabataang taga-probinsiya na may kanser pero nasa Metro Manila ang mga doktor at iba pang espesyalistang makapagpapagaling sa kanila. Pinatitira sila sa Child Haus, pati na ang isang magulang o guardian nila, para madali silang makapunta sa ospital o sa klinika ng mga doktor at para na rin mabawasan ang gastos nila sa pasahe.
Ang anim na palapag ng gusali ng Child Haus ay donasyon ng SM Holdings na pinamumunuan ni Hans Sy. Ang pangunahing tagapagtaguyod naman ng proyekto ay ang pilantropong beautician na si Ricky Reyes, na sinimulan noong 2001 pa.
Dito’y naghatid kami ng mga pagkain, regalo, at munting entertainment program sa halos 40 kabataan, plus ang kanilang mga magulang at guardian, na kinukupkop ng Child Haus.
Bukod sa pananghalian para sa lahat, nagdala rin ang TEAM sa mga taga-Child Haus ng ilang sakong bigas, gatas, ilang box ng canned goods, noodles, biskuwit, tsinelas, multi-vitamins, mga tissue paper, tuwalya, mga laruan, crayons, tumblers, bubble soap, Jollibee food packs na dala ni Mygz Molino, at iba pa.
Mas matagumpay naming nagagawa ang taunang outreach project na ito sa pagtulong sa mga batang may sakit dahil na rin sa suporta ng mga taong nagtitiwala sa aming grupo. Bilang pangulo ng TEAM, lubos po kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod:
Team Kramer (ng husband and wife tandem nina Doug Kramer at Cheska Garcia, plus kanilang kids), Ms. Cecille Bravo, Boots Roa-Rodrigo, Helen Samson Cortes, Manila Eye Center, Maribel “Lala” Aunor, Zelia Grace Kuramoto, Emma Cordero, Jonathan Wee, at Maureen Mauricio.
Kabilang din sa mga pinasasalamatan ng TEAM ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi, Yuki Sonoda, Tess Tolentino, Barbie Ann Arcache, band leader-lawyer Rey Bergado of InnerVoices, film producers Marynette Gamboa and Rossana Hwang, Joy Cabrillos, Joy Ruiz, Gwen Garci, filmmakers Brillante Mendoza and Romm Burlat, Beth Fabillaran, Olga Lyttle, Marianne Ferrer De Vera, Sheree, Rachel Alejandro, Pascual Laboratories, Kudeth Honasan, Robert Tan of Blade Auto Center, Reuben Laurente, Juanita Delgado Lazaro, Direk Emille Joson, Mia Japson, Kiko Antonio, Jam Leviste, Mercy Co, Mika Pardo, Bait-Lehem Bread from Ms. Tine Areolo, Hiraya, Pinky Fernando of Fernando’s Bakery, Nilo and Mimay Guarte, former actress Princess Revilla, Imelda Warren, Jeth Carey, Mygz Molina, Joy Ochangco of Sweet Inspirations Buffet Restaurant, Sarah Javier and Mommy Lulley, Direk Bobby Bonifacio, Angelika Santiago and family, Hironori Koga, at ang Zaplan family.
Pinasaya ang mga bata at kanilang mga magulang sa mga kanta at sayaw na hatid ng seasoned singer-philanthropist na si Ms. Emma Cordero, ABS-CBN Star Music’s singing pilot Janah Zaplan, TV host Mia Japson, teen solo dancer Champ Ryan, the vibrant Hiraya P-pop girls na binubuo nina Calli, Joanna, Anasity, Kitty, at Ashlee, upcoming Vehnee Saturno protege Jam Leviste, at game host and socmed personality na si Mygz Molino.
Naantig ang damdamin ng mga taga-TEAM at guest dito, ng mga bata at ng kanilang mga magulang nang sila naman ang nag-chorus ng ilang mga awitin. May ilang mga bata ang bumaba ng entablado para abutan ang TEAM officers and members at mga bisita ng special thank you cards na may kasamang ginantsilyong maliliit at makukulay na bulaklak.
Naging hosts ng event ang VP ng TEAM na si Anne Venancio at auditor na si Wendell Alvarez.
Sa naturang event ay nagbigay din ang TEAM ng certificates of appreciation sa mga walang sawang sumusuporta sa aming annual gift-giving and feeding project.
Nagpapasalamat din kami sa tatlong TV networks na Net25, UNTV, at PTV 4 na nag-cover ng nasabing okasyon.
Ang iba pang TEAM officers ay sina Maridol Bismark, Obette Serrano, Noel Orsal, Maryo Labad, Pilar Mateo, at Danny Vibas. Kabilang sa members sina Cesar Ian Batingal, Rey Pumaloy, Boy Borja, Roland Lerum, Jhay Orencia, Adjes Carreon, Audie See, Sany Chua, at Nimfa Chua.