ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAGSIMULA ang showbiz career ni Kazel Kinouchi sa Pinoy Big Brother at galing siya sa Star Magic, pero after ng pandemic ay napunta siya sa Kapuso Network bilang Sparkle artist.
Paano siya napunta sa GMA-7?
Esplika ni Kazel, “Ang story kasi niyan, kasi ay active ako sa mga commercials. So, iyong caster ko sent my files to GMA-7. Tapos si Mr. M (Johnny Manahan) na was with GMA-7 na during that time ay nakita niya iyong file ko, sabi niya, ‘O that’s Kazel a’. So, pinapunta niya ako sa audition.
“So iyon na, and then my first show, iyong Abot-Kamay na Pangarap, iyon, nag-last siya nang medyo matagal.”
May follow up na ba siyang show?
“I have an upcoming show, kasama ko po si sir Gabby Concepcion, Kyle Padilla… hindi ko pa yata puwedeng sabihn iyong title. Pero malapit na iyon, mag-i-start na kami ng taping very soon.”
Ano ang reaction niya na maganda ang mga nabibigay sa kanyang projects. Na after ng Abot-Kamay ay may kasunod agad ito?
Aniya, “Medyo… noong nag-end kasi ang Abot-Kamay ay October. So, nakapag-rest din naman ako nang kahit paano. Pero siyempre, I’m very thankful, kasi ay mayroon na ulit work. So kapag may work, it’s a blessings.”
Happy daw siya sa pag-aalaga sa kanya ng Sparkle.
“Oo, happy ako sa pag-aalaga nila sa akin. Kasi, rito na talaga ako nakilala, ‘ yung role ko as Zoey. Parang when you say Kazel, sa GMA na talaga iyon,” nakangiting pahayag ni Kazel.
Isa si Kazel sa casts ng pelikulang Fatherland na prodyus ng Bentria Productions ni Engr. Benjie Austria at ng Heavens Best Entertainment ni Harlene Bautista.
Mapapanood ang pelikula simula April 19, in cinemas nationwide. Magkakaroon din ito ng celebrity premiere sa April 22, sa Gateway Cinema 11.
Tampok sa pelikula sina Allen Dizon, Inigo Pacual, Cherry Pie Picache, Angel Aquino, Richard Yap, Mercedes Cabral, Jim Pebanco, at Max Eigenmann, Jeric Gonzales, Rico Barrera, Abed Green, Ara Davao at Bo Bautista.
Nang nalaman niyang si direk Joel Lamangan ang direktor ng Fatherland, hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ito dahil kilala ang award-winning director sa pagiging istrikto?
Diretsahang tugon ni Kazel, “Sinabihan na ako ng manager ko. Sabi niya, ‘Bawal kang… kailangan na memorized mo, hindi ka puwedeng mag-buckle kasi ay masisigawan ka,” nakatawang esplika ng dalaga.
“So, ganoon lang naman si Direk Joel, that’s how he is. Don’t take it personally.”
Ayaw din ni Direk Joel na nale-late? “Yes, hindi naman ako na-late, kasi sinabihan na rin ako na kailangan na maaga ka. On time is still late, kailangan na early ka talaga,” nakangiting pakli niya
Pabirong tanong pa namin kay Kazel, “So, ‘naka-survived’ siya sa first movie niya with direk Joel pa?’
“Yes, naka-survived,” natatawang wika pa niya.
Ipinahayag din ng aktres na nag-enjoy siya sa unang sabak sa pelikula.
“Oo naman, nag-enjoy ako rito sa Fatherland. Since first movie ko ito, ibang-iba siya sa taping. Medyo… sa taping kasi, since maraming scenes na kailangang i-take, hindi siya masyadong… parang when you take a scene, okay na, tapos na.
“Ito talaga maraming shots, specially si direk Joel ang director namin dito sa movie. Pero okay naman, nag-enjoy naman ako, specially ang mga kasama ko rito.”
Anong klaseng ka-work sina Allen at Inigo na love interest niya sa movie?
“They are very friendly, actually Inigo approached me noong una, kasi I’ve never worked with him before. Okay naman siya, very professional, he is very welcoming.
“Si sir Allen kasi, hindi kami talaga nagkaroon ng interaction. Parang same scene lang. Pero sa Abot Kamay, paano ba iyon? Kasi ibang-iba ang role niya roon e, kasi daddy ko siya noong time na iyon.
“Dito, nang naka-scene ko siya, dito medyo very playful ang character niya,” sambit pa ni Kazel.