Opisyal nang inilunsad ng SM Supermalls ang SM Active Hub, ang pinakamalaking sports experience sa Pilipinas, noong March 9, 2025, sa SM Mall of Asia (MOA). Sakto ito sa Filipina CEO Circle’s 2025 Women’s Run PH sa SM MOA Concert Grounds at sa taunang SM2SM Run mula SM Seaside City Cebu hanggang SM City Cebu. Umabot sa 30,000 katao ang sumali sa iba’t ibang activities, kaya naman ito na ang pinakamalaking sports partnership at playground sa bansa!

Libu-libo ang lumahok sa iba’t ibang activities sa launch ng SM Active Hub
Ang naturang launch sa Music Hall ng SM MOA ay nagpakita ng vision ng SM Active Hub na baguhin ang fitness at sports engagement sa buong bansa. May 44 pickleball courts sa 21 SM malls at 14 running hubs sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, kaya naman ito na ang may pinakamalawak na sports coverage sa bansa, na nagbibigay ng accessible at world-class sports experiences para sa bawat Pilipino.


“Kami sa SM Supermalls, gusto naming maging mas active at healthy ang bawat Pilipino. Kaya nandito na ang SM Active Hub – ang pinakamalaking sports playground sa bansa. Sa simula, may pickleball at running na tayo, pero marami pang exciting activities tulad ng tournaments, fun runs, sports training, at wellness workshops para sa lahat,” sabi ni SM Supermalls President Steven Tan.


Pickleball at running, bida sa sports playground ng bayan
Exciting ang launch event, kung saan may pickleball exhibition matches at gathering ng iba’t ibang running clubs. Maraming pickleball enthusiasts ang sumubok ng laro sa SM North EDSA, SM Southmall, at iba pang SM malls nationwide.
Ang running hubs naman ay matatagpuan sa SM Mall of Asia, SM By the Bay, SM Seaside City Cebu, at marami pang iba. Kaya saan ka man sa Pinas, may SM Active Hub na para sa’yo!

Ang pickleball, isang sport na madaling mae-enjoy at magamay ng kahit sino, ang naging isa sa mga highlights ng event, kung saan maraming players ang sumabak sa court. Sa dami ng 44 pickleball courts, ito na ang pinakamalaking network ng ganitong klase ng sports facility sa buong bansa.

Ang nationwide coverage ng SM Active Hub, mula Tuguegarao hanggang Davao, ay patunay ng commitment ng SM Supermalls na i-promote ang healthy at active lifestyle para sa lahat ng Pilipino.

Bukod sa malawak na sports facilities, suportado rin ito ng malalaking brands tulad ng Toby’s Sports, Asics, Sports Central, Under Armour, Power Mac Center, Hydroaid, Daily Fix, But First, Coffee, at Taters.
At hindi lang ito ang simula! Mas marami pang venues, events, at exciting sports experiences ang paparating sa SM Active Hub.
Gusto mo bang makisali? I-download ang SM Malls Online app para mag-register sa SM Active Hub, alamin ang upcoming events, at ma-enjoy ang exclusive perks at discounts mula sa aming mga tenants.
Maging parte ng biggest sports revolution sa Pilipinas – sumali na sa SM Active Hub!