Saturday , March 29 2025
Richard Hiñola Cloud 7 Marianne Bermundo

Richard Hiñola, bilib sa Cloud 7 at kay Marianne Bermundo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATOK NA PATOK sa fans ang katatapos na concert ng grupong Cloud 7 sa Music Museum last February 28 titled “Nasa Cloud 7 Ako, Heartbeats For A Cause”.

Kaya pagtuntong pa lang sa stage nina Johann, Lukas, Egypt, Kairo, Miguel, PJ, at Fian upang mag-perform, lalong nayanig ang venue sa tilian at palakpakan ng mga manonood.

Nauna rito, binigyan ng plaque ang grupo ng mga bagets na ito bilang Tourism ambassadors ng Sablayan, Occidental Mindoro.

Bawat production number ng Cloud 7 ay tinitilian ng kanilang fans, maging ilang members man ito o buong grupo mismo ang nagpe-perform, well applauded sila.

Humataw din sa nasabing concert ang mga talented na bagets na sina Marianne Bermundo at Yancy de Vega at nagpakita ng husay sa pagkanta at pagsayaw.

After this, matinding tilian na naman ang maririnig sa Music Museum nang makasama sa stage ng Cloud 7 ang masusuwerteng seven fans nila. With matching hugs pa ito kaya lalong maingay na sigawan ang sukli ng kanilang mga hyper na tagahanga.

Gaya nang nasabi nila sa isang panayam, kabilang sa repertoire ng grupo ang kanilang pinasikat na songs na “Tara Na”, na una nilang single, kasama rin dito ang “Tayo Na”, “Louder” at ang latest single nila na “Silipin Ang Mundo”.

Pahayag ni Lukas, “Ang Silipin Ang Mundo”, it’s about people reaching their dreams together as one. So, just like us, were here together, helping other people reach their dreams in our advocacy concert.

“Sa tingin po namin, importante rin po iyon para lang ma-inspire rin po ang mga people. Para makita rin po nila kung gaano po kami ka-passionate not just to show our talents, but in using our talents ay nakaka-help din po kami ng mga people po.”

Nabanggit din niya ang goal nila ngayong taon. “This 2025, isa po talaga sa mga goal ng Cloud 7 ay mas lumaki pa po talaga ‘yung nare-reach naming parts, mas kumalat pa po ‘yung names namin and mas lumaki pa po ‘yung nata-touch naming hearts gamit ang aming talents and passionate skills po,” sambit pa ni Lukas.

Sinabi naman ni Richard Hiñola kung bakit niya ginawa ang concert na ito.

“Actually, ginawa namin ito kasi we want na magkaroon ng mata ang mga kabataan, lalo na ngayon, sa panahon ngayon. We want them to know what kindness are. Importante kasi iyan e, proper na pag-uugali iyan na dapat matutuhan ng mga kabataan ngayon.

“Lalo na ngayon na masyadong advance ang panahon, so, nakakalimutan nila ang pagiging kind. That’s why nakipag-tie-up ang Best Magazine sa GMA-7 at sa Sparkle Talents na Cloud 7.

“It’s a benefit show, kasi we’ve been doing charity events for eight years na po. Advocacy ko talaga ito, e, every year po. Gumagawa kami ng charitable activities sa Luzon, Visayas, at Mindanao, thru Best Magazine po.”

Sinabi ni Richard kung bakit ang Cloud 7 at si Marianne ang naisipan niyang itampok sa concert na ito.

Aniya, “Very raw pa sila at mga talented talaga, sumisikat na sila, ang Cloud 7, kaya sakto sila sa concert na ito… at marami talaga silang fans na very supportive sa kanila.

“Si Marianne naman, nire-repackage namin siya na from teen international title holder na beauty queen, now promising star na siya. Kumakanta, at sumasayaw na siya and i-introduce namin siya sa movie na “Ako Si Kindess” na isu-shoot na namin next week.”

Ipinahayag ni Richard ang pakiramdam niya kapag nakatutulong sa mga nangangailangan, “Nakatataba po talaga ng puso,” matipid na tugon pa niya.

Si Richard ang producer at concept & event organizer. Ang show director naman ay si Luther John Lim.

Ang nasabing concert ay for the benefit of children with chronic illness and health awareness for youth. Na isang BEST Magazine charity project for 2025.

Kasama rin sa guest performers ng Nasa Cloud 7 Ako benefit concert sina Ima Castro, Jeri Violago, Stefani Santo, Yunah S. Peliño, Gil Froyalde, Aleck Calata ang rapper na si Blancka, at may special performance rin si Cye Soriano.

About Nonie Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo sexy 2

Kathryn’s sexy photos orig at ‘di peke, pinagpipistahan

I-FLEXni Jun Nardo TUMODO sa kaseksihan at 29 si Kathryn Bernardo na pinagpipistahan ngayon sa social media …

Elections

Kampanya sa eleksiyon maigting, mapangahas, palaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PORMAL at opisyal nang magsisimula today, Friday ang local campaigning para …

Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Management ni Jojo Mendrez umamin sinakyan pag-uugnay kina Mark, Rainier

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA last presscon ng tropa ni Jojo Mendrez kaugnay pa rin ng mga …

Vice Ganda Ion

Garage sale nina Vice Ganda at Ion pinagkaguluhan 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DINAGSA ang garage sale nina meme Vice Ganda at Ion Perez na nagsimula kahapon at …

Kathryn Bernardo sexy

Kathryn mala-super model at beauty queen ang awrahan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KATHRYN Bernardo at 29! Sobrang seksi at very mature na ang …