Wednesday , January 15 2025
Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPAT
ni Mat Vicencio

KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang ‘pangangampanya’, malamang na hindi siya makalusot at tuluyang matalo sa darating na midterm elections sa Mayo.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia nitong nakaraang Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, lumalabas na kulelat si Imee sa nasabing survey.  Nasa ika-12 puwesto ang senadora samantalang sina Senator Bato dela Rosa at Rep. Camille Villar ay nasa ika-13 at ika-14 na puwesto.

Halos walang ipinagkaiba ang resulta ng senatorial survey na ginawa ng SWS nitong Disyembre 12 hanggang 18, dahil kulelat pa rin si Imee tulad nina Villar at Dela Rosa na pawang nasa ika-12 at ika-14 na puwesto.

Kung titingnang mabuti, pababa nang pababa ang puwesto ni Imee sa mga senatorial survey na inilulunsad ng iba’t ibang survey firm at malamang sa mga susunod na linggo at buwan ay tuluyan nang mawala sa ‘Magic 12’ ang pangalan ng senadora.

Lumalabas na wala nang tiwala kay Imee ang mga botante dahil na rin sa kanyang ginagawang ‘pamamangka sa dalawang ilog’ at estilong doble-kara ng ‘pangangampanya’ para lamang makuha ang suporta ng kampo ni Digong at ng administrasyon.

Bistado na ang galawan ni Imee, at kung inaakalang nabobola niya si Vice President Sara Duterte para suportahan ang kanyang kandidatura ay nagkakamali siya. Wala rin botong maaasahan si Imee sa mga DDS tulad ng mga taga-Mindanao na naniniwala pa rin sa pamilyang Duterte.

At kahit sabihin pang kapatid ni Imee si Pangulong Bongbong Marcos, hindi rin siya nakatitiyak sa suporta ng administrasyon dahil maraming hindi nagtitiwala sa kanya lalo na sina First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Marami rin galit na loyalista at Ilokano kay Imee dahil hindi niya nagawang ipagtanggol ang kanyang sariling amang si Ferdinand Marcos Sr., nang sabihin ni Sara… “huhukayin ko yang tatay n’yo, itatapon ko s’ya sa West Philippine Sea!”

Kaya nga, tagilid talaga ang kandidatura ni Imee at malamang hindi magtagal ay maungusan siya ng dalawang kandidatong sina dating DILG Secretary Benhur Abalos at dating Senator Bam Aquino na nasa buntot lang ng ‘Magic 12’ ng mga senatorial bets.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …