Tuesday , June 23 2026
Sipat Mat Vicencio

Sara… not guilty!

SIPAT
ni Mat Vicencio

KUNG magtatagumpay man ang impeachment complaint na kasalukuyang nakasalang sa Kamara at tuluyang mai-transmit sa Senado, inaasahan naman ang ‘not guilty verdict’ na magiging hatol ng mga senator-judge sa kasong kakaharapin ni Vice President Sara Duterte.

At sa sandaling magkaroon ng pormal na paglilitis sa impeachment case ni Sara sa Senado, marami ang nagsasabing malabong makakuha ng 16 votes na kinakailangan para tuluyang ma-convict ang bise presidente.

Base sa konstitusyon, ang isang impeachable official ay nangangailangan ng two-thirds vote o 16 boto mula sa kabuuang 24 miyembro ng mga senador para tuluyang ma-convict ang isang tulad ni Sara na nahaharap sa kasong impeachment.

Kung titingnan mabuti ang komposisyon ng mga mambabatas sa Senado, 15 lamang ang nasa majority na pinamumunuan ni Senator Tito Sotto, samantalang 9 senador naman ang nasa minority na hawak ni Senator Alan Peter Cayetano.

Kaya nga, malinaw na mahirap makakuha ng 16 votes para sa ‘guilty verdict’ ng vice president dahil bukod sa hindi kontrolado ni Sotto ang majority, marami ang mga senador na inaasahang babaliktad at siguradong susuporta kay Sara kapag nagsimula na ang impeachment trial.

At bukod sa siyam na senador na magbibigay ng ‘not guilty verdict’ kay Sara sa kasong impeachment, tiyak din na madaragdagan pa ang bilang nito dahil sa mga reelectionist senators sa 2028 na nasa majority bloc.

Siyam na boto lang ang kailangan para hindi ma-convict si Sara.

Tanging sina Senator Sotto, Senator Ping Lacson, Senator Bam Aquino, Senator Risa Hontiveros, at Senator Kiko Pangilinan, ang limang senador, ang lumulutang o masasabing pabor sa conviction ni Sara.

Sa kasalukuyan, si Sara ang nagungunang kandidato bilang pangulo sa darating na 2028 presidential elections base na rin sa mga survey na isinasagawa. Nitong Pebrero 18, matatandaang pormal na nagpahayag si Sara ng kanyang kahandaan na tatakbo siya bilang president ng Filipinas.

At kapag nangyari ang inaasahang tagumpay ni Sara… hala, lagot ka Bongbong!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Gulo sa Senado, tinapos ni Sen. Joel Villanueva

SIPATni Mat Vicencio NITONG nakaraang dalawang linggo, naging sentro ng kontrobersiya ang Senado dahil sa …

Firing Line Robert Roque

PhilHealth: Isang walang-pusong kabiguan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY mga trahedyang hindi na kayang pagaanin ng kahit …

PADAYON Teddy Brul

Jacinta Ybardolaza at ang Kabataang Rizal sa Pakil

PADAYONni Teddy Brul BAGO pa man naging pambansang bayani si Dr. Jose Rizal, madalas na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Si Chiz karapat-dapat tumayong presiding officer sa impeachment trial

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng usapin at emosyon na nakapalibot sa impeachment trial …

Firing Line Robert Roque

Mga Araw ng Ulan at Araw ng Baha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAGSIMULA na ang School Year 2026–2027 kasabay ng tag-ulan. …