Thursday , June 4 2026
Sa pagbagsak ng kisame sa Terminal 1 NNIC SABLAY SA KALIGTASAN NG AIRPORT USERS – PUSO ng NAIA

Sa pagbagsak ng kisame sa Terminal 1
NNIC SABLAY SA KALIGTASAN  NG AIRPORT USERS – PUSO ng NAIA

ISANG kritikal na pangamba para sa kaligtasan ng mga pasahero nang bumagsak ang bahagi ng kisame sa arrival extension area ng Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong 10:43 am nitong nakaraang Biyernes Santo, 3 Abril.

Pito katao ang nasugatan sa insidente at iniulat na agad na nabigyan ng atensiyong medikal.

Ayon sa PUSO ng NAIA, ang insidente ay hindi dapat ituring na simpleng aksidente lamang kundi posibleng senyales ng mas malalim na problema sa maintenance, inspeksiyon, at pangkalahatang pamamahala ng paliparan.

Sinabi ni Romy Sauler, Head Secretariat ng PUSO ng NAIA, na may obligasyon ang mga operator at ahensiya ng gobyerno na tiyakin ang pinakamataas na antas ng kaligtasan, lalo na’t patuloy na nagbabayad ng mas mataas na bayarin ang mga pasahero sa ilalim ng programang modernisasyon.

Aniya, bagama’t ipinangako ang “world-class” na pasilidad sa ilalim ng kasunduan ng Department of Transportation (DOTr) at New NAIA Infra Corp. (NNIC), nananatiling kuwestiyonable ang aktwal na kondisyon at kalidad ng serbisyo sa paliparan.

Tinukoy ng grupo ang ilang pangunahing isyu, kabilang ang sinabing kakulangan sa maayos na maintenance, kahinaan sa regulatory oversight, kawalan ng independent technical monitoring, at ang patuloy na pagpapasan ng dagdag na bayarin ng mga pasahero sa kabila ng hindi pa maayos na serbisyo.

Ipinahayag din ng PUSO ng NAIA ang pangamba sa paniningil ng mas mataas na airport fees kahit hindi pa ganap na naipatutupad ang ipinapangakong ₱170-bilyong puhunan, na anila’y dagdag pasanin sa mamamayan sa gitna ng tumataas na gastos sa pamumuhay.

Sa panig ng pamunuan, sinabi ni NNIC General Manager Lito Alvarez na agad naasikaso ang mga nasugatan at kasalukuyang nasa maayos na kalagayan. Tiniyak din niya na patuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong pasahero.

                Samantala, inihayag ng DOTr na inatasan nito ang Manila International Airport Authority (MIAA) na makipagtulungan sa NNIC upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente, habang lumalakas ang panawagan para sa transparency, safety audit, at pananagutan ng kapwa pribadong operator at mga ahensiya ng pamahalaan.

Ang PUSO ng NAIA (Pagkakaisa ng User, Stakeholder, at Obrero ng NAIA) ay isang koalisyon ng mga aviation workers, labor groups, overseas Filipino workers (OFWs), at commuters na binuo upang tutulan ang pribatisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang kaakibat na pagtaas ng bayad sa paliparan.

Kabilang sa malalaking grupong nakapaloob sa Puso Ng NAIA ay ang National Confederation of Labor (NCL), Unified Pamilya OFW, Bukluran ng mga Manggagawang Pilipino (BMP), POLPhil, Socialista Pilipinas, SMPP, Pinoy Aksyon Inc., at Partido Lakas ng Masa (PLM).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …