SIPAT
ni Mat Vicencio
KUNG hindi magdadahan-dahan ang mga tauhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa patuloy na panggigipit kay dating Speaker Martin Romualdez, malamang na mapilitan na rin ibulgar na mismong ang pangulo ang ‘utak’ ng flood control project scam.
Kung tutuusin, tinumbok na mismo ni Martin ang kanyang pinsang si Bongbong na may kinalaman sa sinasabing 2025 budget scandal at hindi maaaring ituon lamang ang sisi sa Kamara at Senado kundi dapat pati sa executive branch.
Sabi pa ni Martin, “That is why command responsibility is far more logically relevant in the executive branch, where there is actual supervision, operational control, and implementation on the ground, than in a collegial legislative body whose constitutional role is deliberation and appropriations.”
Binigyan diin din ni Martin na hindi siya makapapayag na maging ‘scapegoat’ na may kasalanan sa flood control project scam, at mariing sinabi sa Ombudsman na makabubuting tutukan ang ebidensiya sa nasabing kontrobersiya.
“If this is a political play to push me out and close the story, tarnishing my name and my reputation, then I am telling everyone now: I will not go quietly, and I will not go alone. I will not be the ‘fall guy’ for other people’s corruption,” pagdidiin pa ni Martin.
O, ‘di ba ang linaw? Si Bongbong ang pinatutungkulan ni Martin!
At sa isang press conference na isinagawa nitong Abril 6, sinabi ni Ombudsman Crispin Remulla na kanilang inihahanda ang reklamong plunder laban kay Martin dahil sa flood control project scam at inaasahang maisasampa ang kaso sa buwan ng Mayo.
Nasundan pa ang sinasabing panggigipit kay Martin nang magpalabas ng Precautionary Hold Departure Order o PHDO ang Sandiganbayan matapos na payagan ang petisyon ng Office of the Ombudsman na hindi maaaring makalabas ng bansa ang dating speaker habang dinidinig ang kanyang mga kaso.
Matapos ipatupad ang PHDO laban kay Martin, kinompirma naman ni Remulla ang kautusan ng Court of Appeals o CA sa freeze order sa mga assets ni Martin dahil sa sinasabing sangkot siya sa flood control project scam.
Kung meron malaking pasabog na gagawin si Martin, abangan natin dahil imposibleng walang kinalaman ang kanyang pinsang si Bongbong sa bilyon-bilyong pisong korupsiyon sa flood control project scam. (30)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com