Tuesday , June 23 2026
Sipat Mat Vicencio

9 votes ni Sara sa Senado mahirap gibain

SIPAT
ni Mat Vicencio

MALABONG mahatulan ng ‘guilty’ si Vice President Sara Duterte sa sandaling isalang ang impeachment case sa Senado dahil sa matibay at solidong suporta ng siyam na senador sa pangalawang pangulo.

Kamakailan lamang, nagpakita na ng lakas at pagkakaisa ang mga pro-Sara senators nang hindi siputin ang ipinatawag ni Senate President Tito Sotto na isang meeting o caucus para sa preparasyong gagawin sa impeachment trial laban kay Sara.

Sa kabuuang 24 miyembro ng mga mambabatas sa Senado, 10 senador lamang ang dumalo sa ipinatawag na caucus ni Sotto. Ang 10 senador na dumalo ay sina Sotto, Senate President Pro Tempore Ping Lacson, Majority Leader Miguel Zubiri, Senators Risa Hontiveros, Loren Legarda, Lito Lapid, JV Ejercito, Camille Villar, Robin Padilla, at Pia Cayetano.

Lumalabas naman na binoykot ng pro-Sara senator o ng minority group ang nasabing caucus ni Sotto matapos na hindi dumating sina Senators Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Bato dela Rosa, Bong Go, Alan Cayetano, Jinggoy Estrada, Chiz Escudero, at Joel Villanueva.

Tanging si Robin lamang sa minority group ang nagpakita sa nasabing meeting.

Sapat na ang bilang ng minority group o siyam na senador para tuluyang makakuha ng ‘not guilty verdict’ si Sara; at 16 naman na senador para tuluyang ma-convict ang bise presidente.

Kung titingnang mabuti ang mga senador na nasa majority group, maituturing na hindi lahat ay anti-Sara at malamang na sumuporta pa rin sa bise presidente sina Pia, Loren, at magkapatid na Villar.

At kung mangyayari ang pagsuporta ng apat pang senador mula sa majority group, lalabas na 13 kabuuang boto ang mapupunta kay Sara sa isasagawang impeachment trial.

Kaya nga, imposible talagang makuha ang 16 botong kinakailangan para mapatalsik sa puwesto ang bise presidente at malamang sa darating na 2028 elections si Sara ang maging pangulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Gulo sa Senado, tinapos ni Sen. Joel Villanueva

SIPATni Mat Vicencio NITONG nakaraang dalawang linggo, naging sentro ng kontrobersiya ang Senado dahil sa …

Firing Line Robert Roque

PhilHealth: Isang walang-pusong kabiguan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY mga trahedyang hindi na kayang pagaanin ng kahit …

PADAYON Teddy Brul

Jacinta Ybardolaza at ang Kabataang Rizal sa Pakil

PADAYONni Teddy Brul BAGO pa man naging pambansang bayani si Dr. Jose Rizal, madalas na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Si Chiz karapat-dapat tumayong presiding officer sa impeachment trial

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng usapin at emosyon na nakapalibot sa impeachment trial …

Firing Line Robert Roque

Mga Araw ng Ulan at Araw ng Baha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAGSIMULA na ang School Year 2026–2027 kasabay ng tag-ulan. …