Friday , January 17 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon sa tawag na Simbang Gabi. Ang tradisyon na misa ay hanggang Disyembre 25, 2024.

Inaasahan na libo-libong mananampalatayang Katoliko ang dadagsa sa selebrasyon ng misa saan man sulok ng bansa. Ang misa ay isineselebra sa madaling-araw at gabi, pagsapit ng ala-sais.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na sa nasabing selebrasyon, umaatake rin ang ‘kalaban’ – mga kampon ni Satanas. Mga holdaper, mandurukot, at iba pang tulad nito, na ang binibiktima ay ang mga magsisimba.

Pero sa kabila naman ng lahat, pinaghandaan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Director, PCol. Melecio M. Buslig, Jr., ang para sa seguridad ng libo-libong QCitizens na inaasahang makipagselebra sa tradisyonal na Simbang Gabi.

Nagpakalat ang QCPD ng 216 pulis at 264 force multipliers sa mga simbahan sa lungsod upang matiyak ang seguridad ng bawat mananampalataya laban sa pag-atake ng masasamang loob.

Ani Buslig, sa pagpapakalat ng puwersa para sa ‘police visibility’ mapupuksa agad ang mga pinaplano ng mga ‘bandido’.

“Thousands of churchgoers are expected to flock to dawn masses, the QCPD remains steadfast in its mission to provide a safe and secure environment for everyone,” pahayag ni Melecio.

Katuwang ng QCPD sa pagbibigay proteksiyon sa QCitiznes upang matiyak ang kanilang seguridad ang Quezon City local government na pinamumunuan ni  Mayor Joy Belmonte, at iba pang mga ahensiya tulad ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), ang  Metro Manila Development Authority (MMDA), at mga barangay tanod.

“Our top priority is the safety of the churchgoers. The QCPD, along with our partners, is fully committed to ensure a peaceful and secure Simbang Gabi celebrations,” pahayag ni Buslig, Jr.

Nananawagan si Melecio sa mamamayan na manatiling maging vigilante at ipaalam sa pulisya ang mga kahinahinalang aktibidad upang makatulong sa awtoridad para sa seguridad ng magsisimba.

O mga QCitizens, huwag nang mag-alangan sa pakikipagselebrasyon sa paghahanda ng Pasko sa pamamagitan ng simbang gabi…tiyak na rin ang inyong seguridad sa tulong ng pulisya, QCPD…at higt sa lahat, sa ating Panginoong Diyos.

Umpisa na ang Simbang Gabi ‘Misa De Gallo’ —umpisa na rin ang caroling yahoo!

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …