Saturday , December 14 2024
Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital Region (NCR) ay katulad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Bakit, hindi ba kasing sipag at kasinsero ni Mayor Joy B., ang ibang alkalde sa iba’t ibang bayan at lungsod ng NCR sa paglilingkod sa kanilang constituents?

Hindi naman sa hindi, nagtatrabaho rin ang ibang alkalde ng Metro Manila katulad ni Belmonte, kaya lang kung susuriin ang pagpili ng Civil Service Commission kay Mayor Joy, tila nakukulangan ang ahensiya sa serbisyo ng ibang alkalde para sa kanilang constituents dahil kung hindi, tiyak na silang lahat ay paparangalan.

Kaya sa katatapos na ginawang pagkilala ng CSC, nanguna na naman ang ‘Nanay’ sa milyong QCitizens, si Mayor Joy – dahil sa dedikasyon niya bilang isang lingkod bayan, muli siyang pinarangalan ng CSC bilang regional winner at semifinalist para sa national level ng  Presidential Lingkod Bayan Award.

Sa isang simpleng seremonya, kasama ang amang si Speaker Feliciano “Sonny”  Belmonte, tinanggap ni Mayor Joy ang parangal nitong nagdaang linggo.

“Lubos tayong nagpapasalamat sa CSC-NCR sa pagkilalang ito na nagpapatibay na ang ating mga proyekto’t programa para sa QCitizens ay tunay na epektibo. This will further inspire us to continue striving for good governance and excellence in public service,” pahayag ng most awarded city mayor ng Metro Manila.

“Belmonte was selected for her exemplary work ethic and professionalism that serve as a shining example and reflective of her passion to make a difference in the community especially with regards the green and environmental initiatives she spearheaded,” saad sa inilabas na kalatas ng CSC-NCR.

Ito ang ikalawang taon na kinilala ng CSC si Mayor Joy nang parangalan siya nitong nagdaang taon bilang  regional winner at national semifinalist para sa Presidential Lingkod Bayan Award – ang parangal ay kaugnay sa  kanyang  pangako at dedikasyon  na protektahan at pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mahihirap na mamamayan partikular ng  mga kabataan at kababaihan.

Tanging Quezon City ang nag-iisang LGU sa NCR na nakakuha ng tatlong parangal kabilang ang Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia at Quezon City University (QCU) President Dr. Theresita Atienza ay kinilala bilang CSC Pag-asa Awardees.

                                                   * * * * *

SA PATULOY na pagpapatupad ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni Acting District Director, PCol. Melecio M. Buslig, kaugnay sa pagbibigay ng dagdag kaalaman kontra kriminalidad, terorista at iba pa, aabot sa 4,025 QCitizens ang karagdagang nahatiran ng serbisyo nitong November 8-14, 2024 nang magsagawa ng kabuuang 61 community engagement activities ang QCPD sa pangunguna ng Community Affairs and Development Division (DCADD) kasama ang District Mobile Force Battalion (DMFB), Police Stations 1-16, Stakeholders at mga Advocacy Support Groups. Ang 4,025 benepisaryo ay mula sa iba’t ibang barangay.  Tinalakay sa aktibidad ang Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), Anti-Illegal Drug Awareness, Crime Prevention and Safety Tips, Safe Spaces Act, Bomb Awareness, RA 10627 o Anti-Bullying Act, RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children, Human Rights and Gender Sensitivity/Equality, RA 8353 o Anti-Rape Law.

Ipinaliwanag sa QCitizens ang kahalagahan ng PNP LERIS (Law Enforcement Reporting Information System) gamit ang eGovPH app. Nagkaroon ng mga programang pangkabuhayan, libreng gupit, pamamahagi ng IEC materials, pagkain at hot meals para sa mga residente.

“Ang bawat hakbang na ating ginagawa ay bahagi ng ating layunin na palakasin ang ugnayan ng pulisya at mamamayan para sa mas ligtas at mas maayos na Quezon City,” saad ni Buslig.

Iyan ang QCPD, bumababa sa mga barangay para turuan o bigyan ng dagdag kaalaman ang QCitizens kung paano harapin ang mga pag-atake ng masasamang loob. Sa tulong ng dagdag kaalaman, malaking tulong ito para hindi sila mabiktima o kanilang masawata agad ang plano ng mga kalaban.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …