Wednesday , October 9 2024
Arjo Atayde Cattleya Killer Topakk Bagman

Arjo Atayde, waging Best Male Lead in a TV Program/Series sa 2024 ContentAsia Awards

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULING kinilala ang husay ni Arjo Atayde at itinatak ang kanyang status bilang internationally-acclaimed artist sa kanyang big win sa 2024 ContentAsia Awards. Itinanghal siya bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa kanyang paganap sa papel ni Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng Cattleya Killer.

Ikalawang international recognition ito ni Arjo na sinungkit din ang Best Actor sa 2020 Asian Academy Creative Awards sa South Korea para sa seryeng Bagman.

Ang Cattleya Killer ay isang Filipino crime-thriller series mula sa ABS-CBN at Nathan Studios. Nag-premiere ito globally sa Prime Video noong June 1, 2023. Sa direksiyon ni Dan Villegas at sa panulat ni Dodo Dayao, umiikot ito sa murder investigation na konektado sa lumang kaso sangkot ang isang notorious serial killer.

Pinagsasama ng show ang suspense, mystery, at psychological drama, habang pinapasok ang madidilim na lihim ng mga karakter at ang koneksiyon nila sa mga pagpatay.

Nakakuha ang show ng worldwide acclaim for its gripping plot, high production value, and strong performances, lalo na si Arjo, kaya naman naka-posisyon ang Cattleya Killer bilang isa sa mga most significant Filipino crime dramas in recent years.

Sa awards ceremony sa Taipei, sinabi ni Arjo ang kanyang heartfelt gratitude sa lahat ng tumulong upang makamit niya ang karangalang ito.

“Thank you to everyone. I’m forever indebted to all the actors that I work with, to the people behind the camera, to everyone who’s helped me be here, gather all this power to actually pull through this good series.”

Pinasalamatan din ni Arjo ang kanyang pamilya, lalo na ang misis na si Maine Mendoza. “It’s my first time in Taipei, this is such a reward for a first time here,” aniya.

“Last but not the least, my family. Thank you so much to my family for supporting so much, to my wife who understands so much of the hard work that we have to pull through to be able to do this,” sambit pa ng masipag na public servant at magaling na aktor.

Pati ang ang ABS-CBN ay pinasalamatan din niya sa suporta nito. “To ABS-CBN, Tita Cory Vidanes, Sir Carlo Katigbak, and of course, to Sir Ruel Bayani, thank you so much for this opportunity. To the Filipinos, to ABS-CBN, maraming-maraming salamat po,” ani pa ni Arjo.

Ang performance ni Arjo sa Cattleya Killer ang tumalo sa lima pang mga nominado para sa tropeo ng 2024. Arjo’s portrayal captivated both audiences and critics, with his nuanced take on Anton dela Rosa ultimately securing him the prestigious award.

Ito ang latest sa string of international accolades para kay Arjo. It follows his 2020 Best Actor win at the Asian Academy Creative Awards for his role in Bagman, na ginampanan niya ang papel ng isang barbero na sangkot sa mapanganib na mundo ng politika. At si Arjo ang unang Filipino na pinarangalan ng pinaka-prestihiyosong platform para sa creative excellence ng rehiyon.

Maliban sa kanyang thriving acting career, nagsisilbi rin si Arjo bilang Representative ng Unang Distrito ng Quezon City, isang position na kanyang napanalunan by a landslide noong 2022 elections. Ang kanyang dedikasyon at commitment to both his craft and public service, showcases his multifaceted contributions to Philippine society.

Sa kanyang unwavering passion at dedication, patuloy na nai-inspire at ina-uplift ni Arjo ang Filipino film and television industry sa global stage.

Anyway, sa ginanap na thanksgiving ng actor/public servant, nakita rin namin ang trailer ng pelikulang ‘Topakk’ na kasama niya si Julia Montes, pati ang inaabangang pagbabalik ng seryeng ‘The Bagman’ na makakasama naman ni Arjo sina Judy Ann Santos at John Arcilla.

Definitely, kaabang-abang ang mga proyektong ito at ako mismo ay hindi ko ito palalagpasin.

About Nonie Nicasio

Check Also

Candy Veloso Salome Salvi Tahong

Candy Veloso pinaka-dabest ang GL scene kay Salome Salvi 

PINAKA-DABEST kung ituring ni Candy Veloso ang love scene na ginawa niya sa pelikulang Tahong na bida rin sina Salome …

Kim Ji-Soo Mujigae Seoul Mates Mimi Juareza

Kim Ji Soo nakagawa na ng pelikula sa ‘Pinas 10 yrs ago

RATED Rni Rommel Gonzales MALAMANG ay marami ang magugulat kapag nalamang ten years ago pa …

Pinky Amador Jillian Ward

Pinky sa paboritong eksena sa AKNP — confrontation sa APEX, kinalaban ko silang lahat

RATED Rni Rommel Gonzales FINALE na sa Oktubre 19 ang Abot Kamay Na Pangarap. Isa si …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB nakapag-rebyu 200K pelikula, palabas sa TV, at iba pang materyal sa loob ng 9 na buwan

AABOT sa 200,000 pelikula, palabas sa telebisyon at iba pang pampublikong materyal ang narebyu ng Movie …

Bong Revilla Jr Lani Mercado Inah Revilla

Bong naghain na ng COC, sinamahan ng anak na abogada

TIYAK na ang muling pagkandidato ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. para sa 2025 midterm elections matapos …