Wednesday , November 12 2025

Barangay Officials naman ngayon… target ng SSS

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

JOB ORDER employees o casual employees… ano pa? COS (contract of service), ito lang ba? Ang alin ba? 

Ang mga nabanggit natin ay pawang mga kawani sa pamahalaan pero hindi sila miyembro ng GSIS o hindi kinakaltasan ng premium para sa nasabing government insurance.

Hindi kinakaltasan ng GSIS premiums dahil wala sila sa plantilya o hindi regular employee ng pamahalaan.

Pero para sa kanilang seguridad, ipinasok na sa Social Security System (SSS) ang mga JO/casual employees. Naging posible ang lahat dahil sa inisyatiba ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma.

Ngayon naman, puntirya ni Macasaet ang barangay officials at segurado maging ang mga kawani ng barangay.

Isinusulong na rin ni Macasaet na maging miyembro ng SSS ang mga barangay official sa buong bansa.

Ang intensiyon ng SSS President ay upang makatanggap sila ng lifetime monthly pension sa oras na magretiro sa serbisyo.

“Many of our barangay officials and workers serve their constituents for 10 or 20 years. However, when they retire from public service, they do not get any separation pay or monthly pension. Now, through the SSS membership, we are offering you an opportunity to get a monthly pension when you retire from being a barangay official,” pahayag ni Macasaet.

Siyempre, ang unang hakbangin ay kailangan kumuha ng kanilang SSS number at magsimulang magbayad ng kanilang monthly contributions upang awtomatikong magkaroon ng social security coverage mula sa SSS.

Kapag nakabuo na ng 120 months contributions ang isang indibiduwal ay makatatanggap na ng lifetime monthly pension oras na sila ay magretiro.

“Aside from retirement benefits, you will be entitled to sickness, maternity, disability, unemployment, funeral, and death benefits,” paliwanag pa ni Macasaet.

Ang mga magiging miyembro ng SSS na mga barangay officials ay maaari rin makinabang sa iba’t ibang SSS loan programs tulad ng salary at calamity gayondin ng dagdag na coverage mula sa Employees’ Compensation (EC) Program para sa work-related sickness o injury na nagresulta ng pagkamatay o anomang kapansanan.

Iyan ang SSS natin ngayon… kakaiba simula nang maupo si Macasaet. Kapakanan ng nakararami ang puntirya ng kanilang programa ngayon.  Isa nga rin pala sa matagumpay na proyekto ng SSS para magkaroon sila ng seguridad sa pagreretiro o makakuha ng loans sa ahensiya ay ang 3,000 riders ng Angkas.

Sa bandang huli, ito ang sasabihin ng mga tinulungan at tutulungan pa ng SSS…. “mabuti na lang at may SSS.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ex-Cong. Co, paano makauuwi kung may banta sa buhay?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA ISYU ng kontrobersiyal na flood control ghost projects ng Department …

Sipat Mat Vicencio

Sen. Bong Go lang ang tinukoy sa ‘insertion’

SIPATni Mat Vicencio BAKIT sa tatlong DDS na senador, tanging si Sen. Bong Go lang …

Firing Line Robert Roque

Malabong policy ng MPD vs smokers

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GETS ko naman — bawal manigarilyo o mag-vape sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hall of Fame award, muling nasungkit ng QC LGU

AKSYON AGADni Almar Danguilan UNANG pinarangalan bilang Hall of Fame sa larangan ng pakikipagnegosyo ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Ang sabi sa akin…” vs. “Ako mismo…”

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng mga imbestigasyon sa flood control anomalies, malinaw ang …