Friday , June 20 2025

ARTA humanga sa inobasyon ng Zambo jail

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

ZAMBOANGA City Jail Male Dormitory (ZCJMD) kinilala ng Anti-Red Tape Authority (ARTA)?

Bakit kinilala ang piitan? Ano pa man, hindi na nakapagtataka dahil simula nang maitalaga noong nakaraang taon si Jail Superintendent Xavier Solda bilang warden dito, malaki ang ipinagbago ng Zambo Jail dahil sa kanyang mga inisyatiba. Kaya hindi nakapagtataka na maging awardee ang piitan lalo na si Solda.

Kaya tulad ng nabanggit, hindi na nakapagtataka kung saludo ang ARTA sa Zambo jail.

Ano pa man, kinilala ng ARTA ang ZCJMD dahil hindi matatawaran ang kontibusyon nito sa pagbabago o simplikasyon ng mga serbisyo sa piitan upang mapabilis  ang lahat ng transaksiyon. Inobasyon ‘ika nga.

Simula Enero, ang estrahiya ng ZCJMD na “Bilis Pila, Bisitang Masaya” na ang layunin ay mapabilis ang pagproseso ng mga kailangan ng pamilya ng PDLs na dadalaw sa piitan. Dahil sa simplikasyon bumaba sa 70% ang average transaction sa Zambo jail.

Sa katatapos na 2024 Ease of Doing Business Summit na ginanap sa Marcian Garden Hotel sa Zamboanga City, personal na pinarangalan at iginawad ni ARTA Director General Secretary Ernesto Perez ang certification of recognition kay Zamboanga City Jail Male Dormitory Warden Jail Superintendent Xavier Solda.

Bukod sa Zambo jail, kasama rin sa kinilala ang City Government of Zamboanga, City Government of Dapitan, Department of Labor and Employment Regional Office 9,  Zamboanga City Central Eagles Club,  JCI Zamboanga La Bella, at Zamboanga Filipino-Chinese Chamber of Commerce.

Sa mensahe ni Perez sa summit, kanyang binigyan-diin ang socio-economic agenda ni President Ferdinand R. Marcos, Jr., partikular ang kahusayan sa burukasya.

“The government is focused on ensuring fast and quality service to the people,” pahayag ni Perez.

“And we thank government offices and agencies like the BJMP here in Zamboanga City for their commitment to efficient and effective service delivery,” dagdag ng Kalihim.

Tiniyak naman ni BJMP Chief Jail Director Ruel Rivera ang kanyang pagsuporta sa lahat ng planong simplikasyon ng pamahalaan partikular ang para BJMP.

“Our priority is to continuously improve the delivery of welfare and development services to persons deprived of liberty under our care,” pahayag ni  BJMP chief.

“We remain committed to serving the public with greater efficiency and trust,” dagdag ng opisyal.

Muli, hindi nakapagtataka kung pinarangalan ang Zambo jail… ang lahat ay dahil sa inisyatiba ni Solda na suportado ng kanyang bossing na si Dir. Rivera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

‘Di makataong insidente sa bus

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG sinapit ng binatilyong may autism, umalis mula sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

No VIP treatment kay Teves — CSupt. Montalvo

AKSYON AGADni Almar Danguilan ITO ang pagtitiyak ng bagong upong regional director ng Bureau of …

Dragon Lady Amor Virata

Isang bansa payag ‘ampunin’ si FPRRD

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI pa tinukoy ng mga abogado ni Pangulong Rodrigo …

Sipat Mat Vicencio

Pamilya sa lansangan may pag-asa kay Rex

SIPATni Mat Vicencio KUNG naglipana man sa lansangan ang mga taong-grasa at pulubi, higit na nakababahala …

Firing Line Robert Roque

Social media, dapat panig sa katotohanan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG INILAHAD ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Shangri-La …