Friday , September 13 2024
Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales

Quinn Carrillo, childhood dream maging writer-director

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY pa rin sa pagiging abala sa kaliwa’t kanang projects ang masipag at versatile na si Quinn Carrillo.  

Si Quinn ay naging bahagi ng all female singing group na Belladonnas, mula rito, nagtuloy-tuloy na ang kanyang exciting na journey sa mundo ng showbiz.

Bukod sa pagiging aktres, si Quinn ay humahataw din ngayon bilang scriptwriter at lately, as AD or Assistant Director.

“I started with the movie Dayo, then iyong Die Father, Thy Son, then itong Hiraya, and I think fourth ko iyong Kaskasero,” pahayag ni Quinn.

Ang Die Father, Thy Son ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo ay mula sa pamamahala ni Direk Sid Pascua. Ito’y tinatampukan nina JC Santos, Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, James Clarence Fajardo, Quinn, Yana Sonoda, at iba pa. 

Kapapalabas lang sa Vivamax app ang Kaskasero na tinatampukan nina Itan Rosales, with Christine Bermas at Angela Morena. Ito’y sa direksiyon ni Ludwig Peralta at isinulat ni Quinn at Direk Sidney Pascua. Assistant Direktor din dito si Quinn. Ito’y mula rin sa 3:16 Media Network ni Ms. Len.

Ano ang pakiramdam na from singer-dancer, aktres, at writer, ngayon ay assistant director na rin siya?

Bulalas ni Quinn, “I’m enjoying it, sobrang nag-eenjoy ako! So, since pang-apat ko na ito, mas ano ko na siya, mas kapa ko na.

“Then, the team that we had, talagang mas alam na namin iyong mga trabaho namin. Wala nang kapaan, kumbaga.”

Pagpapatuloy niya, “So, alam na namin na ito iyong sa iyo, ito iyong mga dapat mong gawin… At saka, talagang tulungan kayo, so ang saya. Kasi it’s another field, bukod sa pag-aartista. Iba pa rin kasi talaga iyong feelings sa likod ng camera, e.

“Masaya siya, kasi mas nakikilala mo ang crews at mas nag-e-emphatize ka sa kanila, kasi alam mo iyong pagod, e.

“Kapag artista ka, mas nakakapagpahinga ka hindi ba? At minsan ay parang bine-baby ka pa. So, kapag behind the scene ka, mas naa-appreciate mo talaga iyong buong pelikula.”

Anong kakaibang saya ang ibinibigay sa kanya ng pagiging AD?

Aniya, “Iyong pagiging director ko, parang nagta-tie-up siya sa pagiging writer ko. Kasi, ako rin ang nagsusulat e at mas nakikita ko siya kung paano ie-execute. Then, mas may input na ako ngayon, compared kung writer lang ako.

‘Para siyang childhood dream come true for me. Kasi before, mas mahilig talaga akong magsulat, iyong mga behind the scene talaga.

“Hindi ako mahilig umarte rati, sobrang nahihiya ako, feeling ko hindi siya for me, hahaha! So, lagi akong nasa behind the camera kumbaga, and I like working with people.

“So ang masaya ngayon is yung childhood self ko, it’s like yung 14 year old self ko saying, Oh My God! This is it!'”

Childhood dream niya ang maging director or writer?

“Parehas po, kasi parewo ko siyang ginagawa rati noong high school. So iyon yung sumisigaw sa akin ngayon,” nakangiting sambit pa ni Quinn.

Bukod sa movies, si Quinn ay aktibo na rin sa TV. After niyang maging bahagi ng StarStruck season 7 bilang Kyle Lucasan, siya ay napapanood ngayon sa top rating TV series na Asawa Ng Asawa Ko, topbilled by Rayver Cruz, Jasmine Curtis, at Liezel Lopez.

Plano ring mag-aral ng Film Making sa abroad ni Quinn, para maging isang full-fledged director.

Incidentally, congrats sa pelikulang Litrato na humakot din ng parangal sa nagdaang 40th  Star Awards for Movies.

Kabilang sa napanalunan nila ang: INDIE MOVIE OF THE YEAR (3:16 Media Network), INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR – Direk Louie Ignacio, INDIE MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR – Ralston Jover, at INDIE MOVIE THEME SONG OF THE YEAR “Awit Para Kay Inay” (composed by Louie Ignacio, arranged by Jem Florencio, and interpreted by Duane David.

Ang Litrato na nagpakita ng kakaibang husay si Quinn bilang aktres, ay mapapanood na very soon sa Netflix. Bukod kay Quinn, tampok dito sina Ai Ai delas Alas, Ara Mina, Liza Lorena, Bodjie Pascua, Duane David, at iba pa. 

About Nonie Nicasio

Check Also

Elia Ilano

Elia Ilano, kaabang-abang sa pelikulang Nanay Tatay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SADYANG ayaw paawat sa paghataw sa kanyang showbiz career ang …

Teejay Marquez A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Teejay handang tumulong politika ‘di papasukin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO ang nilalakad ni Mayor Marcos Mamay (ng Nunungan, Lanao del Norte) noong …

Mon Mendoza Calvin Reyes

Mon at Calvin palaban, ‘kakagat sa alok’ para sa pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI pa talaga matatapos ang usapin ng sexual harassment na may …

Lilo Eigenmann Alipayao

Andi ibinandera galing ni Lilo sa pagse-surf

MA at PAni Rommel Placente BINUWELTAHAN ni Andi Eigenmann ang mga pumupuna sa pagpapalaki sa kanyang mga …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru hanggang pangako muna ng kasal kay Bianca

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Bianca Umali, nangako raw ng kasal sa kanya ang …