Friday , September 13 2024
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

PNP hindi naman bopols vs wanted persons pero bopols pa rin…

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI naman bopols ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya ng ahensiya laban sa mga most wanted person – iyong mga may pending warrant of arrest at sa halip, kaliwa’t kanan nga ang kanilang ginagawang panghuhuli – 24/7 ‘ika nga.

Sa katunayan, araw-araw na iniyayabang ng PNP ang numero ng kanilang mga naaaresto, hindi lang sa Metro Manila kung hindi sa buong bansa. Nandiyan iyong mga nadadakip na nahaharap sa theft, physical injuries, estafa, rape, murder, homicide, kidnapping, carnapping, robbery hold-up, at iba pa.

               Ang nakatatawa nga lang sa mga nadarakip nila ay parating ikinokonsiderang number 1, 2, 3, 4, 5, 6…9 most wanted person in provincial level, city level, station level etc. –– lahat ay may ranggo sa pagka-wanted sa batas. Iyon bang pinagaganda para lamang mapansin ng publiko na bigtime ang kanilang huli pero hindi naman.

Ano pa man, at least nagtatrabaho ang PNP upang harapin ng mga wanted ang kanilang kaso at higit sa lahat ay makamit ng kanilang mga nabiktima ang katarungan.

Kaya sino ang nagsasabing may pagkabopols ang PNP kung ang pag-uusapan ay panghuhuli sa mga wanted person o may mga pending warrant of arrest. Sino nga ba ang nagsabing bopols ang PNP o mahinang klase? Ang Senado nga ba?

E kung hindi bopols ang PNP, e ano itong ipinakikita nila sa publiko na kahinaan? Kahinaan? Hindi ba lumabas na napakahina ng kanilang intel network dahil hanggang ngayon iyong pabor ng Senado na arestohin si suspended Bamban (Tarlac) Alice Guo ay hindi pa nila nadarakip? So, anong tawag sa ipinakikita ng PNP ngayon? Bopols ba? Ops nagtatanong ako ha at hindi nag-aakusa.

               Hanggang ngayon wala man lang iniyayabang ang PNP na may intel report na sila kung saan nagtatago si Guo. E bopols nga e. Hindi naman. Siyempre hindi puwedeng ianunsiyo ito dahil baka makaiktad si Mayor Guo. Tama naman, pero ba’t hindi pa rin nadarakip? Kasi nga kahit intel sa whereabouts ni Guo ay wala pang naalalaman ang PNP pero pagdating sa intel sa mga ‘vices’  ay napakagaling ng PNP.

Pero kahit patuloy na binibigo ng pulisya ang desmayadong Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa hindi pagkakahuli kay Guo, ani Senate President Francis Joseph “Chiz” Escudero, hindi maiiwasan kuwestiyonin ang kakayahan ng PNP.

Ang good news naman ay kahit na nakadedesmaya ang PNP, hindi naman daw babawasan ng Senado ang intelligence fund ng pulisya dahil baka mas mabigong gawin ang kanilang mandato. Kasuwerteng PNP samantala ang ibang ahensiya kapag may kapalpakan ay binabawasan ang kanilang pondo.

Kunsabagay, ngayon palang na may pondo e bopols na ang PNP este, mahinang klase na ang PNP  – e di mas lalo na siguro kapag tinapyasan ang kanilang intel fund. Naku po, sa totoo lang napakaraming pinagkukuhaan ang PNP ng kanilang ‘intel funds’ Hehehehe…

Nakapapanibago ba ang PNP laban sa mga bigtime na wanted? Hindi na. Noon nga e, may isang PNP chief na nagmano pa sa isang bigtime na akusado sa harapan ng mediamen kaya caught-in-the act si hepe at ipinalabas sa publiko.

Tsk..tsk…tsk…sadya bang pang-small time na wanted persons lang  ang PNP – mga maglulupang wanted persons lang ang kayang arestohin pero kapag bigtime e, hirap na hirap na sila samantala nasa ‘FARM’ lang naman si Guo.

May pagka – bopols ba ang PNP?

About Almar Danguilan

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umay ka na ba sa korupsiyon?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pagiging talamak ng korupsiyon sa mga pinapasok na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sumuko nga ba o naaresto si Kingdom of Jesus Christ (KOJC)?

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI ang nagugulohan sa totoong detalye ng pagpapasakamay ni Quiboloy sa …

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …