Friday , December 6 2024
Ysabelle Kaba

Bagets na newbie singer na si Ysabelle, ire-revive hit song na ‘Kaba’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IRE-REVIVE ng baguhang singer na si Ysabelle ang kantang ‘Kaba’ na pinasikat ni Tootsie Guevarra noong 1999.    

Si Ysabelle ay isang bagets na 10th grader sa Centerphil Montesorri

Learning Center sa Janiuay, Iloilo.  Very soon ay mapapakinggan ang sariling version ni Ysa (nickname ni Ysabelle) sa lahat ng streaming app.

Last January 15 ay pumirma ng kontrata ang newbie singer, kasama ang kanyang mom na si Jean Magno Palabrica, kay Vehnee Saturno (composer ng kantang Kaba) para sa revival at recording ng naturang awitin. 

Last year lang siya nahilig sa singing, pero determinado ang talented na bagets na ito na magkaroon ng puwang sa mundo ng musika.

Pahayag ni Ysabelle, “Last year lang po ako nahilig sa pagkanta nang in-enroll ako sa voice lesson ng mommy ko. Pero kumanta po kami with my best friend sa school when we’re running as senator sa school po.  

“Si Sir Vehnee po ang nag-suggest ng kanta at sabi ng mommy ko, big opportunity daw po ito para sa akin kaya dapat daw na I do my best.”

Esplika pa ng 15 year old na dalagita, “I think many teenagers can relate to the song. And when I first listen to it, I like the melody and the music. I heard it first on Tiktok and I easily fell in love with the lyrics. It’s normal naman talaga na magkakaroon ka ng crush.”

Nabanggit din ni Ysabelle na excited na siya sa pagsabak niya bilang recording artist.

“And I was so excited when it was suggested to me by Mr. V that I could revive it, but of course under his guidance. I think my version will be more upbeat. And I will work hard to make this song a success, just like the first one, and for people to appreciate it,” nakangiting wika pa niya. 

Gagawan din daw ng music video ang kanyang debut single.

Masuwerte si Ysa sa pagkakaroon ng supportive parents. Ang mom niyang si Ms. JeAn ay isang businesswoman, samantalang ang kanyang dad ay si Mayor Mark Palabrica, from the municipality of Bingawan, Iloilo.

“When I decided to take voice lessons and found out that I could sing, I started convincing my parents that I was interested in being a recording artist. I told them that I wanted to explore a new skill and discover a new version of myself.

“Growing up, I’m an introvert, mahiyain po talaga ako, eh. I don’t interact much with people. They were surprised, at first when I told them about my plans. And I’m very thankful to my parents for supporting me with my request. Since then, I gained confidence in this,” esplika pa ni Ysa.

Very positive naman ang mentor niyang si Vehnee sa posibilidad na makilala nang husto si Ysa bilang singer at maging hit ang kanyang revival song.

Aniya, “With this kind of artist, tamaan lang namin iyong magandang recording, parang may pupuntahan, may magandang mangyayari sa kanya.”

Ayon pa kay Vehnee, ibang-iba raw ang version ni Ysa sa original version ni Tootsie. “It’s completely different, medyo yung like ng Gen Z ang areglo. Upbeat siya… medyo experimental ang ginawa namin.”

Sa ngayon ay nagte-taping na rin si Ysa para sa YouTube show nilang Krazy-x You sa ilalim ng pamamahala ni Direk Obette Serrano at sa concept ni Audie See, na siya ring manager ni Ysa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Boy Abunda

Rufa Mae iginiit ‘di nanghingi ng pera; Kuya Boy naalarma para sa alaga

MA at PAni Rommel Placente NAGLABAS ng official statement si Rufa Mae Quinto hinggil sa ibinabatong akusasyon …

JR Cool Kidz Big Winner sa Dance 10 Dance 10 (Dance Contest)

JR Cool Kidz Big Winner sa Dance 10

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang grand finals ng Dance 10 (Dance Contest) na ginanap noong November 30, …

Geneva Cruz

Geneva Cruz naglinis sa Mindanao

MATABILni John Fontanilla DUMAYO ng Mindanao si Geneva Cruz na isang reservist para makibahagi sa  clean-up drive …

Sentidrama Padayon Blvck Music Louie Cristobal Grace Cristobal

Sentidrama at Padayon inilunsad ng Blvck Music

IPINAKILALA ng Blvck Entertainment Production, Inc. at Blvck Music ang dalawang bagong OPM bands na tiyak na tatatak sa …

MMFF 2024

GMA naka-block pagpo-promote ng ibang MMFF entries

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HOW true na hindi pinapayagan ng GMA Network na makapag-promote sa kanilang …