Wednesday , September 11 2024

Missing lola natagpuang ‘kalansay’ sa Tanay, Rizal

021323 Hataw Frontpage

HATAW News Team

LABIS na galit at pagdadalamhati ang nararamdaman ng pamilya ng nawalang lola sa Quezon City noong 14 Enero, nang matagpuan sa Tanay, Rizal na isa nang kalansay, nitong Sabado ng madaling araw, 11 Febrero.

               Si Edilberta Gomez, a.k.a. Tita Betty, 79 anyos, ay iniulat na huling nakita sa Mapagmahal St., Barangay Pinayahan, Quezon City, dakong 5:30 am noong 14 Enero (Sabado), habang naghihintay ng taxi patungo sa isang kaanak sa Mayon St.

                Sa ulat ng mga kaanak sa pulisya, nabatid na sumakay sa isang taxi si Tita Betty, ngunit hindi nakarating sa kanyang kamag-anak sa Mayon St.

               Natunton ng mga kaanak ang taxi driver, kinilalang si Mark Anthony Valera Cosio, 41 anyos, ngunit  sinabing hindi niya matandaan kung saan niya ibinaba si Tita Betty.

               Hindi umano kabisado ni Cosio ang lugar dahil si Tita Betty ang nagtuturo kung saan sila daraan at bago lamang siyang nagtatrabaho bilang taxi driver.

               Sinabi ng mga kaanak, nang mawala, si Tita Betty, ay may dalang bag, kuwintas na may cross pendant galing sa Saudi Arabia na regalo ng kaanak, at cash na hindi kukulangin sa P5,000.

               Noong 3 Febrero, isang alyas Macmac ang naiulat sa pahayagan na nadakip sa pagbebenta ng ‘di rehistradong baril, granada, at iba pang eksplosibo, sa isang buybust operation sa Quezon City.

               Nabatid na si alyas Macmac ay ang taxi driver na si Cosio, at sa beripikasyon ng pulisya, sangkot din ang suspek sa kidnapping, pagbebenta ng illegal drugs, at hindi rehistradong baril at explosives.

               Sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1866 na inamyendahan ng RA 9516 o Unlawful Possession of Explosive si Cosio nang siya ay madakip ng pulisya.

               Gayonman, sinabi ng pulisya na walang tuwirang ebidensiya na si Cosio ang may kagagawan ng pagkawala ni Tita Betty.

               Isang araw bago matagpuan ang bangkay ni Tita Betty, itinaas ng pamilya ang pabuyang P20,000 sa P100,000 sa sinomang makapagtuturo ng kinaroroonan ng nawawalang lola.

               Nitong nakaraang Biyernes ng gabi, 10 Febrero nakatanggap ng ‘tip’ ang Quezon City Police District (QCPD) hinggil sa isang ‘kalansay’ na natagpuan sa Tanay, Rizal.

               Kinabukasan, Sabado, 11 Febrero, tinungo ng ga kagawad ng pulisya ang lugar at doon ay natambad ang kalansay na nakasuot ng damit na gaya ng kay Tita Betty, may Scapular, at ibang gamit na mapagkakakilanlan ng biktima.

               Nabatid na mayroong tama ng baril sa likod na naglagos sa noo ang natagpuang bangkay.

               Isinailalim sa awtopsiya ang labi ni Tita Betty habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa mga insidente at sirkumstansiya ng pagkawala ng biktima hanggang matagpuan ang bangkay na may tama ng baril sa ulo.

About hataw tabloid

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

PNP PRO3

Talamak na mga tulak sa Nueva Ecija at Bulacan swak sa buybust serye

SA PATULOY na pagsisikap ng PRO3 PNP na puksain ang mga gawaing sangkot ang ilegal …

Philippines to Hong Kong HK, Plane Flight Path

70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China

MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …