Tuesday , December 5 2023
road accident

Kukuha ng social pension sa bayan <br> MAG-ASAWA, ANAK, 1 PA, PAWANG SENIOR CITIZENS PATAY SA TRICYCLE NA NAHULOG SA KANAL

APAT SENIOR CITIZENS, kinabibilangan ng mag-asawa kanilang anak, at isa pa, ang namatay nang mahulog sa kanal ang sinasakyang tricycle sa Brgy. Bagumbayan, bayan ng Hilongos, lalawigan ng Leyte, nitong Miyerkoles ng umaga, 9 Nobyembre.

Kinilala ang mag-asawang binawian ng buhay na sina Francisco Atipon, 83 anyos, at asawang si Petronila, 81 anyos; ang kanilang anak, si Vicente, 60 anyos, nagmamaneho ng tricycle, dead on the spot (DOS); at ang kasama nilang Dario Canales, 62 anyos,  dead on arrival (DOA) sa ospital, pawang mga residente sa Brgy. Patag, sa naturang bulubunduking bayan ng lalawigan.

Ayon kay kay Renato Aquino, responde mula sa MDRRMO, binabagtas pababa ng tricycle ang isang matarik na kalsada patungo sa bayan nang maganap ang insidente.

Nabatid na patungo ang tatlong senior citizens sa munisipyo upang kunin ang kanilang mga social pension.

Ani Aquino, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng tricycle kaya bumulusok ito papunta sa isang malalim na kanal.

Sa lakas ng pagkakabagsak ng tricycle, agad namatay ang driver na si Vicente.

Nagresponde agad ang Hilongos Emergency Rescue Unit (HERU) sakay ng tatlong ambulansiya saka dinala ang mga biktima sa Hilongos District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival si Canales.

Samantala, inilipat ang mag-asawang Atipon sa isang ospital sa lungsod ng Ormoc dahil sa malalang pinsala sa kanilang mga katawan.

Namatay si Francisco habang nasa biyahe patungo sa pagamutan, ang asawang si Petronila ay binawian ng  buhay habang sumasailalim sa atensiyong medikal sa isang pribadong ospital sa Ormoc pasado 5:00.

About hataw tabloid

Check Also

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

SM Foundation SM Prime 1

From challenges to change: SM Foundation and SM Prime build new school facility in Laguna

The new two-floor school building of Laguna Resettlement Community School features four fully equipped rooms …

Kathniel karla estrada

Karla pilit itinatago ang katotohanan

HATAWANni Ed de Leon ANG maaari lang tumapos sa mga tsismis na split na sina Daniel …