Thursday , December 7 2023
shabu drug arrest

Tulak na 2 kelot at bebot tiklo sa drug buy bust

TATLONG tulak ng ipinagbabawal na droga ang arestado, kabilang ang isang babae matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang mga suspek na sina Jovel De Leon, 29 anyos, Redelin Gatbonton, alyas Len-Len, 43 anyos, kapwa ng Malabon City, at Mark Edwin Macauba, 19 anyos ng Caloocan City.

Ayon kay P/MSgt. Randy Billedo, dakong 2:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation, matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa sinabing pagtutulak ng shabu ni De Leon, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz, sa Kadima St., Brgy. Tonsuya.

Nang tanggapin ang P300-marked money mula sa isang pulis na nagsilbing poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu, agad sinunggaban ng mga operatiba si De Leon at ang kanyang kasabwat na si Gatbonton.

Dinakip din ng mga operatiba si Macauba na nakuhaan ng droga kasabay ng pagkakakompiska sa mga suspek ng 10 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng aabot sa dalawang gramo ng shabu, nasa P13,600 ang halaga, coin purse, at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …