Wednesday , December 6 2023
Arrest Caloocan

Wanted sa carnapping  
KELOT ARESTADO

BINITBIT sa selda ang isang most wanted person (MWP) sa kasong carnapping nang maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi

Kinilala ang wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto kay Adrian Pangilinan, 33 anyos, residente sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay P/Lt. Col. Rommel Labalan, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang akusado sa Reparo Extension, Baesa, Caloocan City kaya nagpadala ng mga operatiba sa naturang lugar upang alamin ang nasabing report.

Nang magpositibo ang ulat, dakong 10:30 pm, kaagad nagsagawa ng joint intelligence driven operation ang mga operatiba ng DSOU, kasama ang HPG-SOD LIMBAS, Intel Section, RIU NCR- SDIT at 9th MFC RMFB na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado.

Si Pangilinan ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandria, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 121 ng Lungsod ng Caloocan, sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883).

Kaugnay nito ay pinuri ni Northern Police District (NPD) acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., ang District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Rommel Labalan sa kanilang matagumpay na operation. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …