Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star na si Julie Ann San Jose.

Inamin ni Rayver ang panliligaw kay Julie Ann sa podcast na Updated With Nelson Canlas.

Bahagi ng pahayag ni Rayver, mula nang bumalik siya sa GMA, isa si Julie sa  pinaka-close sa kanya.

Sobrang bait tapos parang jive kami. Kung ano ang hilig ko, hilig din niya. In short, siya talaga ang best friend ko talaga. Isa sa best  friends ko sa GMA,” sabi ni Rayver.

Lalo pang naging magkalapit ang dalawa nang magsama sila sa Siquijor para sa guesting niya sa  Limitless Musical Trilogy.

Inamin din ng aktor na nagpaalam na siya sa parents ni Julie Ann na liligawan ang singer-actress.

Kaya kung may Paulo Avelino na si Janine Gutierrez na ex-GF ni Rayver, mayroon naman na siyang Julie Ann na makakaromansa, huh!