Saturday , April 1 2023
Ryza Cenon Rooftop

Ryza Cenon, itituturing na isang ultimate barkada horror movie ang Rooftop

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

“ITONG horror movie na Rooftop, parang isang ultimate barkada horror movie, ganoon siyang klaseng horror film,” ito ang ipinahayag ni Ryza Cenon.

Si Ryza ang isa sa bida sa naturang pelikula na palabas na ngayon sa Vivamax. Mula sa Viva Films at directed by Yam Laranas, tampok din dito sina Marco Gumabao, Rhen Escaño, Marco Gallo, Ella Cruz, Andrew muhlach, at Epy Quizon.

Nabanggit din ni Ryza na masaya siyang makatrabaho ang casts ng Rooftop.

Aniya, “Sobrang natutuwa ako na sila ‘yung mga nakatrabaho ko, kasi talagang swak na swak ‘yung mga characters nila roon sa personality nila… hindi nga lang ako masyadon nakikipag-bond sa kanila, dahil mahirap ‘yung character ko.

“First time ko kasi na ako ‘yung natatakot, kasi ‘yung last na ginawa ko, ako ‘yung nananakot – doon sa Manananggal (Ang Manananggal sa Unit 23B). So, bilang ako ang pinaka-leader ng group, kailangan mas mag-focus ako para mai-deliver namin nang tama ‘yung story.”

Kumusta iyong experience na gumawa ng horror film, mas madali ba o mas mahirap gawin?

Esplika ni Ryza, “Iyon ‘yung pinakamahirap, na i-convince mo ‘yung mga tao na natatakot sila or nararamdaman nila na nararamdaman mo ‘yung takot. Na i-convince sila na natatakot din sila, na nakare-relate sila…

“Ang pinakamahirap talaga ay ‘yung comedy and horror. Kasi, kailangan mo talagang i-convince ‘yung viewers mo kung ano ‘yung gusto mong ipakita. Like, kailangan nilang matawa sa ginagawa mo or kailangan nilang matakot sa nakikita sa iyo or ginagawa mong acting.

“So, kapag naramdaman nila iyon, ibig sabihin ay good job ka, kasi ay na-apply mo siya,” lahad ng aktres.

Normal na maging pasaway at mag-break ng rules kapag kasama ang barkada. Sabi nga nila YOLO: You Only Live Once. Pero minsan, kapag nasobrahan, ang barkada rin ang magpapahamak sa ‘yo dahil sa mga mali at makasariling desisyon. Abangan kung paanong ang isang prank ay magdadala sa kanila sa panganib at bangungot na babago sa mga buhay nila.

ROOFTOP, ang pinakabagong horror-thriller, na unang ipinalabas sa Asian Horror Festival ng SM Cinema.

Habang naka-summer break, magse-set-up ng secret party sa rooftop ng kanilang campus ang barkada nina Ellie (Ryza), Lance (Marco), Wave (Ella), Martin (Marco), Jessica (Rhen), at Chris (Andrew).

Iimbitahin din nila rito si Paul (Epy), kapwa estudyante pero outsider sa kanilang grupo at part-time janitor sa school. Dahil walang mapagdiskitahan, naisip ng grupo na i-prank si Paul, na pagmumulan pala ng isang aksidente. Matutulak nila si Paul mula sa rooftop at mamamatay ito.

Imbes umamin at managot sa nangyari, tatakasan ng magkakaibigan ang trahedya at pagtatakpan ang isa’t isa. Mangangako rin silang walang sinuman ang dapat makaalam sa nangyari sa rooftop. Pero magiging mapaglaro ang pagkakataon dahil gagambalain at guguluhin sila ng kaluluwa ni Paul at pagbabayarin sa mga naging kasalanan.

Maitama pa kaya nila ang pagkakamali? Or is it too late?

Isang nakakikilabot na experience ang naghihintay sa buong barkada, imbitado kayong lahat na magpunta sa ROOFTOP, streaming exclusively sa Vivamax.

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Barretto Hey Pretty Skin Red Era Rising Era Dynast

Hey Pretty Skin at RED nagsanib-puwersa para mapalago pa ang kanilang negosyo  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BILANG paghahanda sa lalo pang paglaki ng kanilang kompanya, nakipag-partner …

Coco Martin Brillante Mendoza Apag

Ending ng Apag ‘pinakialaman’ ni Coco — Hindi kasi ‘yun tatak Brillante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO si Direk Brillante Mendoza na dalawang bersiyon ang ginawa niyang ending …

Romm Burlat Pira-Pirasong Pangarap

Direk Romm, biggest project ang Pira-Pirasong Pangarap

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Direk Romm Burlat na ang pelikulang Pira-Pirasong Pangarap …

Rhea Tan Beautéderm

Beautéderm, Rhea Tan, local endorsers, magkatuwang sa adbokasiya para sa single mothers, senior citizens, at underprivileged children

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG businesswoman na si Rhea Anicoche-Tan ay halos 15 years na sa skincare industry. …

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …