Friday , January 17 2025
marijuana

2 kilong Marijuana nakuha sa rider

TINATAYANG dalawang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakompiska sa isang rider sa isinagawang Oplan Sita  ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

Arestado sa maikling habulan ang suspek na kinilalang si Chester Fortades, 30 anyos, residente sa Barangay Baesa matapos makorner ng pulisya sa maikling habulan dakong 12:35 am sa kahabaan ng North Diversion Road (NDR), Barangay 151, sa nasabing  lungsod.

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ulysses Cruz, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Sub-Station 5 sa naturang lugar nang mamataan nila ang suspek na nagmamaneho ng itim na Yamaha Mio motorcycle, walang suot na helmet.

Nang parahin ng mga pulis ang suspek, sinubukan nitong tumakas ngunit agad din nasakote makaraan ang maikling habulan.

Nang suriin ang compartment ng kanyang motorsiklo, tumambad sa mga pulis ang dalawang piraso ng transparent plastic sealed brick na pinaniniwalaang pinatuyong dahon ng marijuana na ibinalot sa tela sa loob ng isang paper bag na tinatayang nagkakahalaga ng P240, 000.

Imbes, simpleng paglabag sa batas trapiko dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, kalaboso at nahaharap sa mabigat na kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang rider. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

011625 Hataw Frontpage

Sa Sta. Mesa, Maynila
EDAD 5, 11, AT 16 ANYOS MAGKAKAPATID NA BABAE PATAY SA NATUPOK NA BAHAY

HATAW News Team HINDI nakaligtas sa kamatayanang tatlong magkakapatid na babae, edad 5, 11, at …

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …